XX : ALEK

104 14 16
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang paglalakbay sa lagusan tungo sa ibang mundo ay tila isang paglusong sa kamatayan. Maglalaho ang paligid, at unti-unti ay pati rin ang pandama.

Magiging parte ka ng itim na kawalan.

Ang tanging pagkakaiba ay: Mananatiling buhay ang iyong isipan.

Napapaisip ako kung iyon din ba ang nararamdaman nina Inay at Danil sa ngayon. Ang walang hanggang pag-iisa sa dilim. Nangungulila subalit hindi makawala.

Unti-unti ay nanumbalik ang aking sensasyon. Naramdaman ko ang pagbalik ng init at ng buhay sa aking katawan.

Inasahan ko ang pagbulalas ng malalakas na hangin, subalit wala ito, maging ang banayad na haplos.

Ang lugar ay malamig at mapanglaw. Agad itong nanuot sa aking katawan sa dahilang hindi ko batid.

At ang aking paningin ay marahang nanumbalik.

Walang malawak na himapapawid. Walang abot-kamay na Zukos. Kayumangging paligid ang gumapang sa aking paningin. Ang banayad na liwanag ay tiyak kong nagmumula sa munting lampara, taimtim na sumasayaw.

Ngayo'y batid ko na kung bakit tila ako'y nalulumbay. Pagka't ako'y nagbalik sa aming tahanan.

Tuluyang bumagsak ang lamig ng lugar sa akin, at higit lumawig ang nangungulilang espasyo. Ako'y hindi tinatablahan ng lamig, subalit agad ako'y nagyelo.

Ang tangi kong nagawa ay mapatitig sa paligid, habang ang lagim ng mga naganap sa tahanang ito'y bayonlenteng nanunumbalik sa akin.

Tila alimpuyo, hindi ko ito mapigilan.

Nalaglag ang aking puso. Bumilis ang aking paghinga mai-angat lamang itong muli.

Bumulyaw ang alaala sa aking isipan. "Akin silang pinaslang!" Libo-libong karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa aking dibdib.

Nabalot ng takot at matinding pagsisi ang aking isipan.

"Hindi ko nais na makabalik ka pa sa lugar na ito."

Agad nabuo ang malaking sinag ng anino sa espasyo, at sinundan ko ito tungo sa kinaroroonan ng munting lampara sa lamesa, kung saan nagmula ang boses.

"Batid kong hindi magiging madali sa iyo ang lahat, Alek. Ang maalala muli ang mga . . . . Batid mo na kung ano ang aking tinutukoy."

"Tiyo," bulalas ng aking hininga. Siya'y nasa kanya muling itim na kayumpata, mga kamay sa bulsa. Ang malawak nyang balikat ay pantay at nakadirekta sa akin.

Ako'y napakurap. Kung mahaba lamang ang kanyang buhok, tiyak kong aakalain kong siya si Itay.

"Inutusan ako ng ating mahal na Dark Majesty na salubungin ka rito."

LUMINOUS (Fantasy Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon