XXXV : AMARIS

79 11 3
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Lumitaw kami sa himpapawid—sa labas ng palasyo, sa nakalutang na pabilog na entabladong yari sa isang malawak na tipak ng itim na bato.

Sa taluktok ng palasyo ay ang napakalawak na asul na liwanag, patuloy na kumakawala tungo sa kalangitan. Ang paligid ay nagkakagulo sa enerhiya ng dilim at liwanag. Ang Zukos sa itaas ay nasa anyong pula't lila—napakalapit sa amin.

"Mga Moonfolk." Bumaling ang aming atensyon sa Dark Majesty sa sentro ng nakalutang na bato—si Lorcan ay nakakulong sa kanyang mga bisig, listo at naghihintay ng pagkakataon. "Kaytagal ko na kayong nais makaharap." Sinundan nya iyon ng malalim na halakhak. Ang Zukos ay dumagundong.

"Ang Zamarro ay hindi habambuhay mababalot ng kadiliman," sumbat ni Corvus. Sa kanyang boses ay rinig ko ang kanyang Amang Hari.

"Ang ating Prinsipe, batid ko." Itinuon nya ang kanyang tingin kay Corvus. "Hindi mo ba hinahanap ang iyong kapatid?"

Bumaling sa akin ang sindak na tingin ni Corvus. Bumagsak ang aking mga mata.

"LAPASTANGAN!"

Agad ay sumabog siya sa kulupon ng mga itim na uwak, habang ang lahat ay gumalaw sa bilis na hindi na mahagip ng aking mga mata.

Hinatak ko ang enerhiya ng aking liwanag at ibinalot ito sa Dark Majesty. Napaatras ako nang kanyang mabasag ang aking puwersa, at bumulalas ang aking paghinga nang si Lorcan ay makawala.

Ang Dark Majesty ay naglaho, kasunod ay ilang gintong portal ang lumitaw.

Nagbalik ang Dark Majesty sa likuran ng isang portal at doo'y bumulusok palabas si Licia. Kumislap ng kanyang makintab na patalim, habang agad akong nagpakawala ng kidlat ng liwanag sa kanilang direksyon.

Sa munting patlang ng segundo, ang Dark Majesty ay nagdalawang isip. At iyon ang aming kailangan upang siya'y masugatan.

Ang kanyang angil ay nagpayanig sa entabladong aming kinatatayuan at nagpadagundong sa mabigat sa Zukos. Malakas na hampas ng hangin ang nagbantang magpatumba sa aming pagkakatayo. Ang Dark Majesty ay muling naglaho.

Lumitaw siya sa likuran ni Licia at nagpakawala ng itim na enerhiya. Tumilapon si Licia sa espasyo at sa himpapawid, at humampas sa pader ng itim na usok na nakapalibot sa nakalutang na entablado.

Ako'y naglaho sa aking liwanag.

Lumitaw ang Dark Majesty sa panibagong portal at doo'y lumabas si Erdem. Nagliliwanag na patalim ang agad na humiwa sa espasyo. Ang kanyang patalim ay bumaon, subalit ang Dark Majesty ay nalusaw.

Isang ilusyon.

Ilan pang Dark Majesty ang lumitaw, at sinagupa ang mga replika ni Corvus.

Humigpit ang aking hawak sa aking patalim at labis itong pinagliwanag, at tumalon sa kaliwa ni Nessah bago siya maabot ng ilusyong Dark Majesty.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now