XXXI : AMARIS

98 12 6
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hindi tulad ng Earth, sa Zamarro'y walang pagsibol at pag-angat ng araw. Walang liwanag na gagapang sa iyo sa umaga, walang init na bubuhay sa malamig na hangin, at walang maaliwalas na kalangitan. Gayunpaman, pinanatili ko ang pagbibilang ko sa paglipas ng mga araw sa pamamagitan ng pagtulog.

Apat na araw na akong parte ng samahan Moonfolk, at ngayon ay ang panglima.

Bawat araw ay ninanais ko muling bumalik sa Galora, kung saan ako iniwan ni Alek, ngunit sa lahat ng pagkakataong kami ay bumabalik doon upang siya'y matagpuan, palagi siyang wala. Tama ba ang paratang sa kanya na siya'y mayroong masamang tangka sa akin? Talaga bang siya ay masamang uri ng Shadow?

Bakit siya nagsinungaling patungkol sa mga Darkborne?

Nalilito ang aking damdamin. Nais nitong makaramdam ng galit, para kay Alek dahil siya'y hindi kasing-mabuti ng aking inakala, at sa aking sarili dahil kaydali 'kong nagtiwala. Subalit ang galit na ito'y agad nalulusaw bago pa makaahon sa aking dibdib, at naiwang gulo ang aking damdamin.

Kahit papaano, nais ko pa ring marinig ang kanyang maaaring eksplinasyon. Nais kong maintindihan.

Pumasok ako sa malawak na kayumanghing silid at higit pang pinagliwanag ang aking sarili. Sa apat na araw ng aking matitinding pagsasanay—bilang parte ng aking pagiging bagong miyembro—at sa tulong ni Lorcan, ay natutunan ko nang kontrolin ang aking liwanag. Nagawa kong kumunekta sa aking enerhiya at sa enerhiya ng aking liwanag, at sa enerhiya ng mundong ito, at sa kakaibang enerhiyang hindi ko matukoy subalit aking nadarama. Ang resulta: Ngayo'y hindi ko na kailangan pang hintayin ang aking pagliwanag dahil magagawa ko na ito kahit anong oras—mas matindi, mas matagal, at mas malakas kumpara sa noong una ko itong naramdaman. Ngunit ang likas kong pagliwanag ay ganoon pa rin, hindi makontrol at hindi mapigilan.

Ang mga enerhiya sa silid ay kumintab at tumibay. Ang atensyon ay nabaling sa akin sa oras na ako'y humakbang papasok.

"Lalo mo kaming napapalakas," salubong ni Licia mula sa kanan malapit sa aking harapan. Ang kanyang mga itim na usok ay may haplos ng nagliliwanag na lila, at ang mga ito'y buhay na buhay sa pag-ikot palibot sa kanya, na para bang dalawang naghahabulang tuta—sa kanyang mga balikat.

"Ito ang kinatatakutan ng mga Darkborne kung bakit mayroong sapilitang Pagsalin." Nabaling ang atensyon ko kay Erdem, na muli ay nasa malalim na lilang kulay ng kasuotan. "Kinukuha nila ang enerhiya ng mga Zamarron—mga bagong henerasyong Moonfolk—dahil takot sila sa mga kakayahan ng mga ito."

"Panoorin mo 'to," saad ni Bronemir, hindi katangkarang lalaki subalit malaki ang katawan. Naghigpit ang mga ugat at kalamnan sa kanyang mga kamay, at ganoon lamang, siya'y nakapagpalitaw ng kanyang mga Replika.

Naramdaman ko ang pagsuporta ng enehiya ng aking liwanag sa kanya, at ito'y walang bawas sa aking lakas.

"At marami ka pang mas ilalakas," patunay ko.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now