XXVII : AMARIS

89 15 11
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Isa iyong babahagyang paghila sa aking damdamin na siyang nagtulak sa akin upang umalis sa kabahayan at tumungo sa kabilang parte ng isla kung nasaan ang dalampasigan. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang bagay na iyon. Hindi ko iyon maunawaan. Ngunit ang kagustuhan kong lumisan sa islang ito ay nag-aalab sa sentro ng aking isipan. Hindi ko ito mabalewala.

Tumibok ang pangamba sa aking dibdib. Ano na ang nangyayari kay Alek? Ilang mahahabang oras na ang aking hinihintay ngunit wala pa siya.

Kumapit lamang ako sa kanyang kayumpata—kayhigpit ang aking buko ay nagkukulay puti. Pinanghawakan ko ang kanyang itim na enerhiya, ang siyang nagkukubli sa akin sa paningin iba.

Isang uwak ang gumulat sa akin nang ito'y pumagaspas mula sa isang sanga tungo sa aking tapat. Nagpakawala ito ng malakas na pagaw. Umalingawngaw ito sa buong paligid, at hindi ko namalayang ako'y napatigil, ang aking mga paa'y madiin at naninigas sa lupa. Ang uwak ay may mga mapupulang mata, at tila nakatitig sa akin. Tila nagmamatyag.

"Uwak lamang, Amaris," bulong ko sa aking sarili. "Uwak lamang."

Nagpatuloy ako sa pag-usad. Ang mga kabahayan ay naglaho na sa aking paningin at tanging matatayog at matatabang puno ang nakapalibot sa akin. Hindi ko tinangkang tumingala at tingnan ang itim at makatindig-balahibong ulap ng Zukos.

Panibagong pagaspas ang humawi sa katahimikan na sinundan ng isa pang malakas na pagaw. Sinabayan iyon ng uwak sa aking likuran. Ang panibagong uwak ay lumapag sa mas mababang sanga, ang kanyang isang mata ay direkta sa akin—dilaw, sa puntong ito—na para bang ito'y nakikita ako. Imposible. Ang aking kapit sa enerhiya ay matibay, at ramdam ko ito. Subalit lumaganap pa rin ang lamig ng kaba sa aking buong katawan.

"Alam kong nagkukubli ako," muli kong paalala sa mababang, pabulong na boses, "kaya walang dapat ipangamba." Kaya ako'y nagpatuloy. May kasiguraduhan sa aking damdamin na kahit saan ako magpunta, ako'y mahahanap ni Alek. Sa oras na makabalik siya rito ay kanyang mararamdaman ang aking enerhiya, at sana'y hindi pa ako ganap na nakakalayo.

Maya-maya'y narinig ko na ang mahinang paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Ang aking paglalakad ay bumilis. Sa pagdating namin kagabi–o nakaraang Pagdilat—ay sinabihan kami ng aleng nagpatuloy sa amin na mayroong mga bangkang naghihintay sa dalampasigan sa timog, na siyang magdadala sa amin sa katabing isla, at sa dalawa pa, hanggang sa marating namin ang dalampasigan ng Northros—ang kanlurang bahagi ng pangunahing lupain ng Earos.

Inilatag ko sa aking isipan ang aking plano. Isang araw akong mamamalagi sa kabilang isla, at kung wala pa rin si Alek ay lilipat ako sa isa pang isla. At sana'y hanggang doon na lamang. Sana . . . ay magbaik na siya.

Humawi sa kasuluksulukan ng aking paningin ang mumunting andap ng liwanag. Alistong bumaling ang aking atensyon sa kanan, at sa kaliwa. Ako'y umikot at dinama ang munting pagbabago, ngunit wala ito sa paligid. Ito'y nasa akin. Ang aking mga daliri ay nagliliwanag.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now