VIII : ALEK

151 18 10
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Enerhiya ang nagturugtong sa isang nilalang at sa mundong ginagalawan nito.

Ramdam ko ang Zamarro sa aking katawan (ang pagyakap nito sa akin, ang pagbibigay nito ng lakas at pandama). Nang mawala ang mga ito, alam kong nahahati na ako sa dalawang mundo.

Palagay ko'y narinig kong muli ang malayong tinig ni Danil, binabanggit ang aking ngalan, subalit agad iyong naglaho. Nilamon ng katahimikan ang bawat tunog, hanggang sa wala na akong naririnig.

Tila ba nawala ako sa aking katawan nang naglaho ang tunog. Sa mahabang panahon ay hindi lamang iyon simpleng katahimikan. Naglaho ang tunog, namayani ang dilim na kahalintulad sa mukha ng Dark Majesty.

Ako ba'y nasa kanyang isip?

Ang kasagutan ay unti-unti kong nahinuha nang magsimula nang magbalik ang aking pandama. Marahang nanumbalik ang lakas sa aking dugo't kalamanan, hanggang sa magawa ko na muling buksan ang aking mga mata.

Sa simula ay kadiliman lamang. Unti-unting nagkaroon ng hulma ang dilim, at iba't ibang imahe ang sunod na gumihit.

Gumala ang aking mga mata sa mga tankay ng puno na nakapaligid sa akin (tila ba walang hanggan). Sa aking paanan ay hindi lupa, at hindi mga bato. Mga dahon (na masasabi kong may kalakihan kumpara sa akin nang mga nakita). Ang mga ito'y tinatangay sa iisang direksyon lamang. Lumuhod ako upang malapitang usisahin ang mga ito. Sa dilim, sinasabi ng aking isipan na ang mga ito'y kulay kayumanggi.

Walang-malay kong kinuha ang isang piraso. Manipis at magaan. Nang pakawalan ko ito sa aking mga daliri ay lumipad ang mga ito sa parehong direksyon. Lumuhod ako at dumakot pa gamit ang aking mga kamay. Kamangha-mangha ang kanilang dami sa puntong sakop na nila ang buong lupa.

Habang pinagmamasdan ko ang isa-isa nilang pagliparan ay nagsimula na ring mabuhay ang aking pandama. Malakas na hangin ang humahampas sa akin, at sa mga dahon at bawat puno.

May ilang tunog nang nabubuo sa aking tainga, at sa bawat sandali ay palakas ito nang palakas.

Hindi pangkaraniwang tunog.

Mga magkakasabay na pagkaluskus ang naging hudyat upang ako'y mapatingala.

Bigla akong sinakluban ng pagkamangha. Ang aking nakikita ay mga matatayog na punong napapalibutan ng napakaraming bilang ng mga dahon.

Nanigas ako sa pagkakatayo, nakatitig lamang sa mga walang-katapusang pag-alon ng mga dahon, na wari'y nakakita ng isang maalamat na nilalang na matagal nang naglaho.

At marahil ay ganoon nga. Pagka't ngayon ko lamang ito nakita. Pagka't sa Zamarro, ang mga puno ay pawang tankay lamang. Pawang matutulis na kalansay.

Subalit hindi roon nagtatapos ang aking pagkamangha. Nagkukubli sa kampay ng mga makakapal na dahon ang isang malaking orbe ng puting liwanag. Mayroong kakaibang habi ang balat nito na masasabi kong iba sa mga Darkborne Orb. At ang distasya, tiyak na ito'y nasa kalangitan, mas mataas pa sa mga nakapaligid na kulay-abong ulap.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now