25

59.1K 1.5K 185
                                    

KAPAG tiwala na ang nasira, sobrang hirap na ayusin. Sobrang hirap na magtiwala ulit. Oo nga at mahal niya pa rin si Zeus. Gusto niya ito patawarin pero nagkakaroon pa rin siya ng mga agam-agam. Sobrang daming 'what if' na gumugulo sa isipan ni Cassandra.

Paano kung lokohin na naman siya ni Zeus? Paano kung masaktan na naman siya? Kakayanin pa kaya niya magtiwala ulit?

"Cassandra, handa ako maghintay. Kahit gaano katagal ayos lang, hanggang sa mapatawad mo ako. If you want to punish me because of what I did to you, do it. Tatanggapin ko."

She can saw the sincerity on his eyes. Pero ano ba ang dapat niyang gawin? Naguguluhan na siya.

"Aba Cassandra, anak, may bisita ka pala."

Napalayo si Cassandra mula kay Zeus nang makita ang mga magulang niya. Sinalubong niya ang mga ito at nagmano. Ang tatay Noel naman niya ay sinusuri ng tingin si Zeus na nakamasid sa kanila.

"Pwede ko ba malaman kung sino ka hijo?" tanong ng tatay niya sa lalaki.

"'Tay, dating kakilala ko lang po siya sa Maynila--"

"Dating nobyo ho ako ng anak niyo. Nasaktan ko siya kaya lumayo siya sa akin, kaya ho nandito ako para suyuin siya, humingi ng tawad sa mga nagawa ko." matapang na sagot ni Zeus. Natahimik sila, tinaliman niya ng tingin si Zeus na nakatitig na pala sa kanya.

"Bueno eh dito ka na maghapunan, gusto rin kita makausap." may pinalidad sa tono ng tatay niya kaya hindi na siya sumabat pa.

Tinulungan na niya ang nanay niya na magluto ng hapunan, pero pinabalik siya nito sa sala ng bahay nila kung nasaan si Zeus, wala siyang nagawa kundi tulungan ang lalaki na gamutin ang mga sugat nito.

Tahimik lang si Zeus nang sabay-sabay silang kumain ng hapunan. Pero inasikaso siya nito katulad ng dati kapag sabay silang kumakain. Ito ang naglagay ng kanin at ulam sa plato niya. Hinayaan na niya ang lalaki dahil ayaw naman niyang tarayan ito sa harap ng mga magulang niya.

Pagkatapos nila kumain, siya na ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan nila. Lumabas naman ang dalawang lalaki, mukhang kakausapin na ng tatay niya si Zeus. She's wondering kung ano na naman kayang kasinungalingan ang sasabihin ng lalaking iyon sa tatay niya.

"Mukhang mahal na mahal ka ng binatang iyon, anak." saad ng nanay niya habang nagtitimpla ito ng kape.

"H-hindi ho 'nay. Nagi-guilty lang po yun sa mga ginawa niyang panloloko sa akin kaya nanggugulo na naman."

"Parang hindi naman iyon ang nakikita ko, anak." natigilan siya sa pagbabanlaw sa mga plato at naguguluhang tinignan ang ina. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyong dalawa, mukhang malalim ang sugat ang iniwan 'non sa'yo, pero nasisiguro ko sa'yo, mahal na mahal ka ng lalaking iyon. At mahal mo pa rin sya diba?"

Mabilis niyang pinahid ang luha na kumawala sa kanyang mga mata. Natagpuan na lang niya ang sariling ikinukwento sa ina ang mga nangyari sa kanila ni Zeus habang umiiyak.

"Hindi kita masisisi kung ganoon na lamang ang naging galit mo sa lalaking iyon anak. Ikaw nga lang ang makakapagsabi kung kailan mo siya mapapatawad. Pero sana anak, huwag mong patagalin sa puso mo ang muhi at galit, hindi ka totoong magiging masaya. Ayaw ko na dumating ka sa punto ng buhay mo na nagsisisi ka na, kasi pinigilan mo ang sarili mo na maging masaya."

-

Maagang nagising si Cassandra kinabukasan kahit puyat siya, hindi kasi nakatulog ng maayos. Napuyat kasi siya sa kakaisip ng kung anu-anong bagay. Matapos niya maligo ay bumaba na siya sa kusina ng bahay nila. Nagtaka siya nang makitang ang nanay lang niya ang nandoon, wala ang tatay niya at si Zeus.

Zeus' Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon