15

57.8K 1.7K 223
                                    

"BES, ano bang nangyari sayo kagabi? Alalang-alala kami nila tito Chris sayo. Buti na lang at nakita ka ni Louie sa waiting shed at inihatid ka dito."

Inalalayan siya ni Karen na makaupo at makasandal sa headboard ng kama. Inilapag nito ang isang baso ng tubig sa sidetable ng kama bago naupo sa gilid niya. Buti na lang at simula na ng sem-break nila, hindi niya muna kailangan gumising ng maaga para pumasok sa school.

"Wala, Karen. Pagod lang siguro ako." inabot niya ang baso ng tubig at uminom.

"Ah, kala ko naman broken hearted ka kasi nakita mo yung balita."

"Balita?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan. Parang nagulat naman ito sa reaksyon niya lalo na at wala talaga siyang ideya sa sinasabi nito.

"Teka, h-hindi mo alam, bes?" kinuha nito ang cellphone at may hinanap doon. "A-ayan bes." inabot nito sa kanya ang cellphone nito. Para siyang mas lalong nanghina sa nakita niya.

"A-actually bes, aksidente ko lang nakita iyang article sa isang high society page kagabi nag-trending pa nga sa twitter kasi isa sa mga Victoria's Secret Angels iyang girl..."

Article iyon mula sa isang site, nasa picture si Zeus habang may nakakandong dito na babae. At mukhang bago lang iyon, hindi edited, sigurado siya dahil ang suot na damit ni Zeus kahapon ang suot nito sa picture.

Hindi niya alam pero parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya. Alam niyang wala siyang karapatan, pero nasasaktan siya. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya habang nakatingin sa picture. Kaya pala, kaya pala hindi siya nito nasundo busy pala ito. Busy sa iba niyang babae.

Mapait siyang napangiti. Mukhang mas mabilis pa sa inaasahan niya na matatapos ang deal nila ng lalaki.

Ibinalik niya sa kaibigan ang cellphone nito. Bumangon siya sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Huminga siya ng malalim. Pilit niyang iwinawaksi ang mga nasa isip niya, pati na rin ang bigat na nararamdaman niya.

"Saan ka pupunta bes?" tanong sa kanya ni Karen nang makalabas siya sa banyo.

"Bibili lang ako ng mga gamot ni Papi. Dadaan din akong mall, may bibilhin lang akong libro. Ikaw? Baka may gusto kang ipasabay?"

"Wala naman. Gusto mo bang samahan kita?"

"Hindi na. Kaya ko naman tsaka babalik din ako agad." kinuha niya ang reseta ng gamot ng ama at inilagay iyon sa sling bag niya. Pati ang wallet at cellphone niya. Nagpaalam din siya sa ama bago siya umalis. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang balak sana lumabas muna, umuulan pa rin at masarap sana tumambay maghapon sa kama, kaya lang, gusto niya i-divert ang utak sa ibang bagay.

At hindi niya iyon magagawa sa bahay ni Karen dahil siguradong bobombahin lang siya ng tanong ng kaibigan pati na rin ang Papi niya.

Nakarating siya sa mall, dumiretso siya sa isang bookstore. Good thing, nakatulong ang mga romance novel books kasi nawili talaga siya sa pamimili. Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatambay sa bookstore. Nang makapamili siya, dumiretso siya sa isang fast food chain nang makasabay niya si Louie sa pila para maka-order.

"Cass! Ayos ka na ba?" tanong nito sa kanya. Ngumiti siya sa lalaki.

"Oo naman. Nalaman ko na inihatid mo ako sa condo unit ni Karen kahapon. H-hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sayo."

"Sus wala 'yun. Pero kung gusto mo talaga magpasalamat, ilibre mo na lang ako ng chicken pati large fries."

They both laughed. "Sige! Ikaw pa!" pabiro niya itong pinisil sa ilong. Natigilan siya ng may mapansin sa lalaki. Inilagay niya ang palad sa noo nito. "Nilalagnat ka!" ani niya sa lalaki. Doon niya napansin na medyo namumutla rin ang lalaki.

Zeus' Possession Where stories live. Discover now