3

63.5K 1.9K 513
                                    

"GOOD morning po, Papi." mabilis na niyakap ni Cassandra ang ama. Hinaplos naman ng lalaki ang pisngi niya.

"Mas maganda ka pa sa umaga, hija. Papasok ka na ba sa school? Mag-almusal ka muna bago ka umalis." Hindi napigilan ni Cassandra ang magulat nang makita ang mga pagkain na nakahain sa mesa.

Mayroon doong sinangag, meat loaf, hotdog, scrambled eggs at tuyo. "Papi? Masyado po atang marami itong pagkain ah." Sa pagkakatanda niya, hindi pa siya nakapagbibigay ng pera sa ama para sa panggastos nila sa bahay dahil sa isang linggo pa ang sahod niya.

At isa pa, hindi naman ganoon kadami ang kadalasan na almusal nila. Minsan pandesal o biscuit at kape lang. Minsan nga wala talaga silang almusal.

Inilapag ng lalaki ang mug ng kape sa mesa. "Inutang ko lang iyan sa tindahan, anak."

"Papi alam mong alam ko na hindi ka magaling magsinungaling." ani niya sa ama. Pinameywangan niya ito habang nakikipagsukatan ito ng tingin sa kanya. Kilala niya ang ama, hindi nito hilig mangutang sa tindahan lalo na at alam nito na wala silang pambayad.

Ilang sandaling nakipaglaban siya ng tingin sa ama bago ito sumusuko na napabuntong-hininga. "Kaloka ka naman, Cassy anak. Nape-pressure ako ako sa sayo. Ang totoo kasi niyan anak, tumanggap ako ng customers sa pagma-manicure at pedicure."

She heaved a sigh.

"Papi naman. Alam niyo naman po na bawal sa inyo yung masyadong nagpapagod diba?" May hypertension din kasi ang ama, madali na rin ito mahapo. Kaya nga kahit na kulang na kulang ang mga sinusweldo niya sa mga part-time jobs niya, sinisikap pa rin niya na mabilhan ng pang maintenance ang ama.

"Anak, keri ko naman. Tsaka hindi naman ako masyado napagod, nahihiya na rin kasi ako sayo dahil masyado akong nagiging pabigat. Imbes na ako yung magtaguyod sa pang-araw araw natin pati sa pag-aaral niyo, ikaw ang sumasalo ng resposibilidad."

Lumapit si Cassandra sa ama at niyakap ito. "Papi naman. Huwag mo na po isipin 'yun. Ako na ang bahala sa atin, kaunting tiyaga na lang po makaka-graduate na ako, magkakaroon na rin ako ng maayos na trabaho."

"Hayaan mo na rin ako na tumulong kahit papaano sayo anak. Promise, hindi ko papagurin yung sarili ko."

Sandaling natahimik si Cassandra, nang tignan ang ama, bakas ang pagsusumamo at determinasyon sa mga mata nito. "Sige po, basta promise niyo po ha? Huwag niyo masyado papagurin yung sarili niyo."

Kahit naman kasi ipagbawal niya, alam niyang gagawin at gagawin pa rin nito nang hindi niya alam. Bukod pa sa mga kapatid niya, papakisuyuan na lang din siguro niya ang ilang kapit-bahay na tignan-tignan ang Papi niya.

Ilang sandali pa, lumabas na rin sa kwarto nila ang dalawa niyang kapatid. Nakapaligo na parehas para sa pagpasok sa school. Inasikaso naman niya ang mga kapatid, ichineck na rin niya ang mga gamot na kailangang inumin ng ama.

"Ate? Exam na po namin next week, hindi na tinanggap ng registrar yung promissory note ko kasi may balance pa ako from last sem. Hindi raw po ako makakapag-exam kapag ganoon." nababahalang sabi ng isa niyang kapatid.

"Hayaan mo, Carlo. Gagawan ko ng paraan."

"Ate, yung bayad rin po sa miscellaneous fee, kinukulit na ako ng adviser namin. Ako na lang po kasi yung.. hindi pa nagbayad." sabi pa ng isa niyang kapatid na high school student. Halata rin sa tono ng pagsasalita nito ang pag-aalangan nitong sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon.

Gustong maiyak ni Cassandra sa awa para sa mga kapatid. Kahit hindi magsalita ang mga ito, alam niyang nahihirapan din ang mga ito sa sitwasyon nila. Nagta-tiyaga nga ang mga ito minsan kapag wala siyang maibigay na baon, o walang pagkain sa kanila, pumapasok pa rin ang mga kahit gutom sa school.

Zeus' Possession Where stories live. Discover now