23

52.8K 1.5K 215
                                    

PARANG itinulos mula sa kinatatayuan si Cassandra dahil sa narinig. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Halo-halo ang mga emosyon na nararamdaman niya sa mga oras na iyon, pero mas nanaig ang galit niya para sa binata. Itinulak niya ang pintuan ng opisina ni Zeus, parang nagulat pa ang dalawa nang makita siya.

Ibinato niya ang hawak na cake at kape sa sahig, saka siya sumugod siya sa kinauupuan ni Zeus at binigyan ito ng mag-asawang sampal. "Demonyo ka! Napakasama ng ugali mo!" he tried to hold her but she step back from him.

"Cassandra let me explain--"

"No! What I heard is enough. Ano, masaya ka na bang magpaikot ng buhay ng ibang tao? Gago ka, napakagago mo! Tapos na ang deal natin. Ayoko na, salamat na lang sa lahat ng perang naitulong mo na bayad sa pagpapakapvta ko sa'yo!"

Hindi na siya ito hinintay na makapagsalita. Lakad-takbo siyang lumabas sa opisina nito hanggang sa makarating siya sa elevator. Halos pagtingin na siya ng ibang empleyado dahil iyak siya ng iyak pero wala siyang pakialam. Diretso lang siyang umalis sa kumpanya ng binata.

Agad siyang pumara ng taxi. Nakita pa niyang humahangos si Zeus papalabas ng building nito. Sumakay agad siya ng taxi nang may huminto sa harap niya. Si Zeus naman ay pilit kinalampag ang bintana ng sasakyan. Pinipilit siyang kausapin at pababain pero hindi niya ito pinakinggan.

Sobrang sakit. Sobrang sakit pala na malaman mo na yung lahat ng pinapaniwalaan mo hindi pala totoo. She trusted him so much, to the point that she fell in love with him. Tapos malalaman na lang niya na pinapaikot lang pala siya nito? And she's so fool dahil hindi man lang niya napansin ang ginawa nitong paglalaro sa buhay niya. Idinamay pa talaga ang pamilya niya!

Okay na siya eh, tanggap na niya sa sarili niya na ginagamit siya ni Zeus kapalit ng pagbibigay nito ng tulong sa pamilya niya. Pero ang hindi niya matanggap, ang ang lalaki pa pala mismo ang nagtulak sa kanya kung bakit siya tuluyang kumapit sa patalim.

"Pero hindi ka ba nakokonsensya dude? First, pinatanggal mo siya kay Relic sa trabaho niya sa Dionysus, pati doon sa pizza parlor. Then you even threatened their former landlady para lang paalisin sila sa dati nilang tinitirhan. Dude, pina-holdap mo pa yung tatay niya para lang mapilitan siyang kumapit sa'yo..."

Hanggang sa mga oras na iyon, paulit-ulit na naiisip niya ang mga narinig sa opisina ni Zeus. Para silang mga hayop na basta na lang pinaalis sa dati nilang tinutuluyan ng biglaan. Nawalan pa siya ng mga trabaho sa panahon na gipit na gipit siya at kailangan nila ng pera, at ang mas malalala, pina-holdup ni Zeus ang papi niya kaya ito nasaksak. Napakademonyo talaga. Ganoon ba ito kababaw para paglaruan ang buhay niya? Ng pamilya niya?

Oo, sabihin na nating may kasalanan din siya kasi pumayag siya sa gusto ni Zeus, pero hindi niya deserved na maloko at mapaglaruan. Iyon ang hindi niya matanggap.

Nang makarating sa bahay nila, dire-diretso siyang umakyat sa kwarto niya. Humanap siya ng bag at inilagay lahat ng damit at gamit niya doon. Iniwan niya ang mga binigay ni Zeus sa kanya.

"Anak? Cassandra, anong--bakit ka umiiyak?" tanong ng Papi niya.

"S-saka ko na lang po ipapaliwanag, Papi. Pakisabi po kina Kyle, kunin na nila ang mga gamit niyo. Aalis na tayo dito."

Wala nang sinabi ang ama niya, hindi na ito nagtanong at iniwan na siya sa kwarto. Kaunti lang naman ang mga gamit nila kaya hindi sila nahirapan mag-impake. Nagpasalamat siya na kahit ang mga kapatid niya hindi na nagtanong pa. Tinawagan na rin niya si Karen para ipaalam na doon muna sila sa condo nito pansamantalang tutuloy. Pumayag naman ang kaibigan niya. Papalabas na sila ng bahay nang dumating si Zeus.

Magulo ang buhok at damit ng lalaki. Pawis na pawis din ito at halatang nagmadali. "Cassandra, let me explain. Please."

Ibinato niya sa lalaki ang susi ng bahay. "Ayan na ang susi nitong bahay, huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin. Tama na, Mr. Abraxas. Maghanap ka na lang ulit ng ibang tao na paglalaruan mo, kasi ako? Pagod na akong makipaglaro sa'yo."

Zeus' Possession Where stories live. Discover now