24

54.2K 1.4K 218
                                    

"CHIMMY! andyan na si Papa Ivan mo oh, look!" hindi mapigilang mapangiti ni Cassandra nang marinig ang paghagikgik ng batang buhat niya. Lumapit naman sa kanila ang lalaki at marahang kinuha si Chimmy sa bisig niya saka pinupog ng halik sa mukha ang bata.

"Ang cute, cute naman ng baby Chimmy na 'yan. Pinahirapan ka ba nito, Cass?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Hindi naman kuya, nag-enjoy nga ako alagaan si Chimmy." she caressed the kid's cute cheeks. Anak ito ng kuya Ivan niya.

Maraming nangyari sa isang taon simula nang magkahiwalay sila ni Zeus. Pagkatapos ng huling pag-uusap nila ng lalaki, hindi na ito muli nagparamdam o nagpakita pa sa kanya. Karen pursued her career on Zeus company, habang siya, sa ibang kumpanya siya nag-apply ng trabaho. Luckily, natanggap naman siya agad.

Even if Karen tried to updated her about Zeus whereabouts, iniiba niya agad ang usapan nila ng kaibigan. Is she still love him? Yes. Hindi naman basta-basta mawawala iyon. But if you will ask her if she still mad at him? Oo rin ang isasagot niya. Dahil katulad ng pagmamahal niya kay Zeus, hindi rin basta-basta mawawala ang sakit na naidulot sa kanya ng lalaki.

OA na kung OA pero wala namang tao na deserved na maloko, masaktan at mapaglaruan. Hindi niya deserved iyon.

Ginamit niya ang kaunting naipon niya sa pagta-trabaho sa café dati para makapagpundar ng sariling bahay at lupa kahit hulog-hulugan lang. Ngayon, malapit na niyang matapos hulugan ang bayad doon.

She can say that she's financially stable now. Maayos na rin niyang natutustusan ang pang-maintenance ng Papi niya at pag-aaral ng mga kapatid niya. Hindi na niya kailangan kumuha ng mga part-time jobs para kumita ng mas malaking pera.

Hanggang sa isang araw, may isang lalaki na pumunta sa bahay nila at hinahanap siya. Doon niya napag-alaman na kapatid pala niya ang naghahanap sa kanya, ang kuya Ivan niya. Matagal na pala raw siyang hinahanap ng totoong pamilya niya.

Ninakaw raw kasi siya sa ospital kung saan nanganak dati ang tunay niyang ina para ibenta, ordinaryong gawain ng mga sindikato. Nagkahulihan ng mga pulis, kaya raw siguro siya iniwan ng kumuha sa kanya sa tapat ng simbahan, kung saan siya nakita ng Papi niya. Sumailalim sila sa DNA test, para na rin makasigurado. The result was positive, kamag-anak nga niya ang kuya Ivan niya. Sumama siya sa probinsya kung saan nakatira ang tunay niyang mga magulang. Wala ring paglagyan ang tuwa niya nang makilala ang totoo niyang pamilya.

Pero siyempre, napamahal na sa kanya ang Papi at mga kapatid niya. Hindi niya kayang iwan ang mga ito. Kaya kinausap niya ang mga magulang. Nagkaroon sila ng arrangements. Sa Maynila pa rin siya titira, kasama ng Papi niya pero bibisita naman siya sa totoong pamilya. Kaya iyon, nag-file siya ng isang linggong leave. Kabuwanan at malapit na ang due date ng ate Thelma niya, ang asawa ng kuya Ivan niya, kaya nagpresinta siyang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa bilas at panganay na anak ng mga ito.

May trabaho kasi sa bayan ang kuya Ivan niya bilang manager ng isang bangko. Ang tatay naman nila ay maghapon ding nasa bukid kung saan may maliit na lupa sila doong sinasaka.

"Oh, andito ka na pala Ivan. Magbihis ka na at nakahain na kami ng hapunan. Padating na rin ang tatay mo. Nandoon na si Thelma sa kusina." nagmano ang kapatid niya sa nanay Lenie nila.

"Akin na muna si Chimmy kuya para makapagbihis ka." inabot niya ang pamangkin mula sa kapatid. Nagulat na lang sila nang makarinig ng basong nabasag mula sa kusina. Magkakasunod silang pumunta sa kusina nang madatnan nila ang ate Thelma niya na nakangiwi habang sapo ang malaki nitong tiyan.

Nilapitan ng kuya niya ang asawa nito. "Mahal anong nangyari? Bakit nabitawan mo yung baso? Nasaktan ka ba?" agad tanong ng kuya niya sa babae.

"M-mahal, manganganak na ata ako.." hindi na nagtanong at agad binuhat ng kuya niya ang babae.

Zeus' Possession Where stories live. Discover now