19

57.8K 1.5K 181
                                    

IT'S Cassandra's first day of internship in Zeus company. Kasama naman niya si Karen sa isang department kaya kahit papaano hindi siya gaanong nailang doon. Nakakahiya nga lang sa una dahil ang mismong department head pa talaga ang nag-assist sa kanila sa magiging pwesto at mga gagawin nila sa office. Napaka-friendly rin ng mga tao sa kanila na madali nila nakapalagayan ng loob.

"Ilang taon na po kayo dito nagta-trabaho, ate Susan?" tanong ni Karen sa isa sa mga bago nilang kakilala sa office habang naglalakad sila papunta sa cafeteria ng building. Lunch break na kasi kaya nagkayayaan na sila na sa cafeteria na lang kumain.

"Magsi-six years na ako dito. Dito pa rin siguro ako hanggang sa magretire sa trabaho. Bukod kasi na malaki ang sahod, healthy rin ang working environment, walang toxic. Marami ring benefits at incentives."

"Maganda po pala talaga magtrabaho dito 'no?"

"Oo naman, sobrang bait pa ni Mr. Abraxas sa amin, napaka-considerate rin ni big boss kaya siguro marami rin ang nagtatagal dito. 'Yung iba nga, wala nang balak umalis. Kaya kapag naka-graduate kayo, dito na rin kayo magtrabaho."

Mas lalong humanga si Cassandra kay Zeus. He may look like a strict and domineering but he has a heart for his employees. Bihira lang ang mga boss na katulad nito. She suddenly felt so proud for him.

"Eh yung mga magulang po ni Mr. Abraxas? Mababait din po ba? Nakita niyo na rin po ba sa personal?" tanong ni Karen sa mga kasama pagkatapos ay pasimple pa siyang siniko.

"Ha? Sa pagkakaalam ko, ulila na si Mr. Abraxas. Iyong si Señor Martin Aslan lang ang nakita namin na malapit na kamag-anak niya." sagot sa kanila ni Susan.

Sa panahon na magkakilala sila ni Zeus, ni minsan hindi nito nabanggit sa kanya tungkol sa mga magulang nito, ni hindi nila napapagkwentuhan kapag nag-uusap sila ng lalaki. Tanging ang Uncle Martin, sina Hades at Poseidon lang ang nakilala niya. Well, sa isang banda, hindi naman obligado ang binata na sabihin sa kanya ang lahat ng bagay tungkol dito kaya naman hindi na rin niya iyon pinagkaabalahang itanong kay Zeus.

But sometimes, she can't help it. Nako-curious pa rin siya sa lalaki. Marami pa rin talagang mga bagay na hindi niya alam tungkol dito. Minsan nga, tinatanong niya sa sarili kung paano niya minahal si Zeus, na hindi naman niya gaanong kilala.

"By the way, ikaw Cassy, may boyfriend ka na ba?" tanong naman sa kanya ni Robert, isa rin sa mga nagta-trabaho sa department kung saan sila naka-assign.

Zeus face flashed on her mind. Her cheeks flushed because of that. Agad niyang iwinaksi iyon sa isip, imposible naman na maging nobyo niya ang binata kahit gustuhin pa niya. She's contended being with him, hangga't hindi pa natatapos ang deal nila.

"Ikaw nga Robert magtigil ka, bata pa iyang si Cassandra para landiin mo. Atsaka lugi naman si Cass sa'yo, ang ganda-ganda niyang bata tapos papatol lang sa'yo?" pabirong bira dito ni ate Susan. Natawa sila nang pabirong sinapo ni Robert ang dibdib nito na parang nasaktan.

"Grabe ka naman sa akin ate Susan, gwapo naman ako ah? Lamang nga ako ng isang paligo kay boss Abraxas eh."

"Anong isa? Hoy Roberto, isangdaang paligo kamo ang lamang ni boss sa'yo!" natatawang sabad ni Lorna. Patuloy na nagkukulitan ang mga ito habang naglalakad sila, siya naman ay tahimik lang na nakikinig sa usapan ng mga ito at nakikitawa.

Malawak ang cafeteria nang makarating sila. May sarili pang sanitizing area doon. Agad silang umupo nang makahanap sila ng bakanteng mesa.

"Kuha na tayong pagkain. Masarap ang luto ng chef dito, tsaka libre pa." yakag sa kanila ni Lorna.

"Libre lang?" gulat na tanong niya.

"Oo, Cass. Tignan mo ito." turo naman ni Robert sa QR code na nasa I.D nito. "I-scan mo lang yang QR code sa I.D mo dun sa machine sa counter for validation na dito ka talaga nagta-trabaho bago ka makakuha ng libreng pagkain. Isang set na 'yun from appetizer hanggang dessert. Astig 'noh?"

Zeus' Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon