7

60.6K 1.8K 301
                                    

"ANO po kamo, miss? Bayad na po lahat ng remaining balance ko sa tuition fees?" hindi makapaniwalang tanong ni Cassandra sa clerk sa cashier ng LCU. Magbabayad na kasi dapat siya ng mga utang niya sa tuition fees nang sabihin ng clerk na bayad na raw ang lahat ng remaining balance niya.

"Yes Miss Amalthea. In fact, pati ang lahat ng bayarin mo for next semester bayad na rin."

"T-teka, sino naman po ang nagbayad? Baka ho nagkamali lang iyon miss kasi ngayon pa lang po ako magbabayad ng mga utang ko."

"Anonymous miss eh, atsaka imposible naman na magkamali iyon, ikaw lang naman ang Cassandra Amalthea dito sa record."

"S-sige po miss, salamat po." sabi niya pagkatapos ay tumalikod na siya para pumunta sa cafeteria ng campus. Nandoon kasi si Karen at inaantay siya.

Napaisip na naman siya habang naglalakad. Sino naman kaya ang nagbayad ng tuition fees niya? Ang Papi kaya niya? Pero hindi, imposible, alam niyang kulang pa rin ang mga kinikita nito sa pagma manicure at pedicure lalo na at nililimitahan niya ang galaw ng ama.

"Oh, bes anyare? Ayos ka lang ba? Bakit parang tulala ka?" tanong ni Karen sa kanya nang makarating siya sa cafeteria. Nakabili na rin ang babae ng pagkain nila.

"Karen, bayad na yung tuition fees ko."

Binuklat ng babae ang balot ng sandwich nito at kumagat doon. "Oo nga, diba kaya ka nga nagpunta doon sa cashier para magbayad?"

"Hindi Karen, hindi ako ang nagbayad. Pagkadating ko doon, sabi nung clerk bayad na raw lahat ng utang ko, pati yung tuition fees ko for next sem bayad na rin."

"Ano? Eh sino raw yung nagbayad?"

"Anonymous daw, hindi rin kilala nung clerk. Pati ako walang ideya kung sino."

"Baka naman scholarship sponsor? Diba may ganun naman? Hindi na nagpapakilala doon sa estudyante na ii-sponsor-an?"

"Ewan ko Karen, parang, parang may mali eh." naalala pa niya yung bouquet ng mga pulang rosas na natanggap niya noong nakaraan na hindi rin niya alam kung sino ang nagpadala.

"Ay nako bes, wag mo na masyado pagkaisipin 'yan, hayaan mo na. Isipin mo na lang hulog iyon ng langit. Ayaw mo 'nun wala ka nang po-problema-hin?"

"Pero--"

"Hep, hep enough na bes. Bilisan mo na kumain at magre-revise pa tayo ng thesis natin. Alam ko naman na may pasok ka pa sa café mamaya."

Hindi na siya umimik at kumain na lang. Nag-revise na rin sila ng thesis pagkatapos ay dumiretso na siya sa part-time job niya sa coffee shop. Pagkatapos ng shift niya sa cafe, dumiretso na siya sa Dionysus para sa isa pang trabaho niya.

As usual, maraming tao sa bar kaya sobrang busy nila.

"Cass, pakihatid naman sa lounge 9." utos sa kanya ng barista. Kinuha naman niya ang tray na naglalaman ng isang bucket ng yelo at dalawang bote ng Jack Daniels.

Tatlong lalaki ang naabutan niya sa lounge 9. Mukhang kanina pa nag-iinuman ang mga lalaki dahil sa dami ng bote ng alak na nasa mesa. Kinuha niya ang bucket ng yelo na walang laman at ipinalit doon ang dala niya.

"Hi miss, bago ka dito?" tanong ng isang lalaki sa kanya. Amoy niya ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo dito.

Kimi naman siyang ngumiti sa lalaki habang inilalagay ang dalawang bote ng alak sa mesa ng mga ito. "Dati na po ako dito, sir." magalang niyang sagot.

"Ows? Eh bakit ngayon lang kita nakita? Ganda mo ah, may boyfriend ka na? Pwede ka ba i-table?" pangungulit pa nito, nagtawanan naman ang dalawa pa nitong kasama na lalaki na mukhang lasing na rin.

Zeus' Possession Where stories live. Discover now