20

57.3K 1.6K 177
                                    

DALAWANG linggo. Masasabi ni Cassandra na matagumpay na naiwasan niya si Zeus sa loob ng dalawang linggo. She ignored his text messages and call. Kahit noong pinasundo pa siya nito kay Ellis sa department nila para pumunta sa opisina nito ay hindi niya ginawa.

Naiinis na nahihiya siya sa binata. Naiinis siya dito dahil sa mga sinabi nito sa kanya noong huli silang nag-usap at nahihiya naman siya dahil rin sa mga nasabi niya at pagkakasampal niya dito. Kaya hindi pa niya alam kung paano ito haharapin ng maayos.

Napaigtad siya sa gulat, mariing napakapit sa strap ng bag niya nang bumusina ang isang kotse sa harap niya habang naghihintay siya ng masasakyan sa waiting shed. Kakatapos lang kasi ng shift niya sa café kaya ginabi na siya ng uwi. Nagulat pa siya nang makita ang lalaking ilang araw nang laman ng isip niya nang bumaba ang bintana ng kotse.

"Can we talk?" tanong sa kanya ni Zeus. "Please?" dagdag pa nito. Bumaba ito sa sasakyan nito at saka siya pinagbuksan ng pinto. Nagdalawang isip pa siya kung sasama ba siya dito hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na naglalakad papasok sa shotgun seat ng sasakyan.

Parehas silang walang imik habang nasa biyahe. Hindi na siya nag-abala na magtanong kung saan siya nito dadalhin para raw kausapin. Hanggang sa makarating sila sa Peccati Di Gola, ang restaurant kung saan sila unang nagkita ng binata. Inakay siya nito papasok sa loob, they occupied a VIP room.

Hindi siya mapakali sa inuupuan niya dahil sa titig ni Zeus. Ni hindi nga niya ito masalubong ng tingin kaya mas pinagtuunan na lang niya ng pansin ang magandang panggabing tanawin sa labas ng glass wall ng restaurant.

"I'm sorry."

Bigla siyang napalingon kay Zeus. Bakas ang gulat at pagtataka sa mukha niya. Tumayo ang binata mula sa kinauupuan nito bitbit ang kopita ng alak sa kanang kamay nito, nakapamulsa itong tumingin sa tanawin na tinitignan niya kanina.

"I'm so sorry for all what I said to you last time, alam kong nasaktan ka. Hindi ko dapat sinabi sa iyo ang mga iyon. I even compared you to my contemptible mother." bakas ang hinanakit sa boses ni Zeus sa huling mga sinabi nito.

"Z-Zeus..."

"Actually, I lied to you. Hindi talaga ako galing ng Greece years ago para alagaan ang ama ko bago ako nag-settle dito sa Pinas. The truth is, isinama lang ako dito ni Uncle Martin noong ten years old ako nang makita niya akong palaboy laboy sa Greece when my father killed himself because of depression, nang malugi ang kompanya niya and because of her gold digger wife ditched us with her new rich boyfriend."

Hindi alam ni Cassandra kung namamalikmata lang ba siya nang makita na dumaloy ang mga luha mula sa mga mata ni Zeus. Mabilis nitong pinalis iyon, saka diretsong tinungga ang laman ng baso na hawak nito.

He's deeply wounded. Ramdam niya ang hinanakit sa boses ng binata sa bawat salita na binitiwan nito. Lumapit siya sa kinatatayuan ng lalaki at walang pagdadalawang isip na niyakap niya ito mula sa likod.

"I'm sorry." anas niya. Humarap ito sa kanya at niyakap din siya nito ng mas mahigpit. Naramdaman pa niya na pinatakan siya nito ng halik sa ulo niya.

"I'm not telling those to you to pity me, para patawarin mo ako sa mga nasabi ko sa'yo noong nakaraan. I'm telling those to you because I want you to know me, to understand me if there a times that I'm being such an asshole to you. Uncle Martin wants me to meet her but I refused. Ayoko lang kasi talaga na pinag-uusapan o makita ang nanay--babaing 'yun. I'm not yet ready."

"Naiintindihan ko na." Tumingala siya at sinalubong ang tingin nito. "Atsaka h-hindi naman ako n-naaawa sa'yo, nagso-sorry ako sa pagiging insensitive ko last time."

"If you say so, agapiménos. Bati na ba tayo?"

She bit her lower lip while looking at his ash-grey eyes, and then she slightly nodded. "Bati na. S-sorry ulit."

Zeus' Possession Where stories live. Discover now