9

56K 1.5K 135
                                    

HINDI pa tuluyang humihinto ang jeep na sinasakyan ni Cassandra pero agad na siyang bumaba. Lakad-takbo ang ginawa niya para makarating agad sa bahay nila.

Nadatnan niya ang ama niya at mga kapatid sa harap ng bahay nila, pati ang mga gamit nila na nakakalat na sa lupa.

"Ate!" umiiyak na tawag sa kanya si Kyle. Napatingin sa kanya ang ama at si Carlo, pati na si aling Chona na may subo pa na sigarilyo sa labi nito. Lumapit siya sa mga ito at tumayo sa harap ng landlady nila.

"Ano ho bang nangyayari, Aling Chona?"

"Pinapaalis ko na kayo."

"Hindi ho namin maintindihan, bakit niyo kami pinapaalis eh kakabayad ko lang sa inyo ng mga utang namin sa renta 'nung nakaraan?"

"Aba, eh sa gusto ko na paalisin kayo. At isa pa, may bagong uupa na dyan sa bahay at limang buwan na advance ang ibinayad. Eh kayo? Palya-palya kung magbayad! Kailangan ko pa maghatak ng gamit niyo para lang makabayad kayo!"

"Pero Aling--"

"Ay, wag mo na ako dramahan Cassandra dahil kahit anong sabihin mo buo na ang desisyon ko, lumayas na kayo at maghanap na ng ibang malilipatan." wala na siyang nagawa nang talikuran siya ng matanda.

"Papi, ayos lang ho kayo?" tanong niya sa ama. Tumango naman ito bilang tugon, pilit na ngumiti.

"Saan na tayo titira, ate?" tanong naman ni Kyle sa kanya. Ginulo niya ang buhok ng kapatid, pinunasan din ang luhaan nitong mga pisngi saka niya kinuha ang mga gamit nila sa lupa na nakakalat.

"Maghahanap na lang tayo ng ibang matutuluyan. Carlo, alalayan mo si Papi, umalis na tayo dito."

Sinubukan nilang maghanap ng malapit na bakanteng apartment pero bigo sila. Lahat may tenant na. Mag ga-gabi na pa naman. Bigla ring kumukulog na parang nagpapahiwatig ng malakas na ulan.

At hindi nga siya nagkamali dahil ilang sandali pa, unti-unti na ngang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nagmamadali silang sumilong sa isang waiting shed.

Bigla namang nag-ring ang cellphone niya, agad niya iyong sinagot nang makita ang pangalan ni Karen sa screen. "Hello? Karen?"

"Ano nang nangyari bes? Nag-aalala ako sa inyo kaya ako tumawag eh. Ayos lang ba si Tito Chris?"

"A-ayos lang naman kaya lang pinalayas kami ni aling Chona sa bahay, wala kaming mahanap na bakanteng apartment, siguro sa motel muna kami ngayon magpapalipas ng gabi."

"Ay naku bes, dito na lang kayo sa condo unit ko tumuloy. Mapapagastos pa kayo pag sa motel kayo pumunta."

"Pero Karen--"

"Sige na bes. Hihintayin ko kayo ah, ingat kayo." ibinaba na nang kaibigan niya ang tawag.

Siya naman ay napaisip pa kung tatanggapin ang alok ng kaibigan. Pero naisip niya ang halaga na magagastos nga naman nila sa pag-upa ng kwarto sa motel.

Lalo na ngayon na magkano na lang ang pera niya, kakaunti na lang kasi ang natira sa fifty-thousand na nakuha niya mula kay Zeus Abraxas. Kailangan din niyang paglaaanan ang pang down-payment sa apartment na tutuluyan nilang mag-aaama kapag nakahanap na siya ng malilipatan nila.

Pumara siya ng taxi at inalalayan na pinapasok doon ang ama at mga kapatid. "Saan tayo pupunta, Cassy?" tanong ng Papi niya.

"Sa condo unit po ni Karen, Papi. Doon muna tayo pansamantalang tutuloy."

-

"Mukhang pera talaga 'yung aling Chona na 'yon. Naku niya, sarap sabunutan ha?"

Natawa na lang si Cassandra sa kaibigan habang naglilitanya niya ito matapos niya ikwento lahat ng nangyari sa kanila. Nasa kwarto siya ng kaibigan habang nagpapatuyo siya ng buhok.

Zeus' Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon