14

62.9K 1.4K 82
                                    

"CALL me when you're going home, susunduin kita mamaya."

Muli sa pagkakatanaw ni Cassandra sa tanawin sa labas bintana ng sasakyan ni Zeus, tinignan niya ang lalaki. "Hindi na, may part-time job pa ako sa café remember? Tsaka hindi ko rin sure kung anong oras ako makakalabas sa university mamaya."

"Kaya nga tawagan mo ako para masundo kita, ihahatid na rin kita sa café mamaya."

She sigh. Mukhang hindi na naman siya mananalo sa pagiging persistent ng binata. Umiral na naman ang pagiging control freak nito. "Fine. Bahala ka."

Halos dalawang araw din siyang nanatili sa bahay nito, hindi kasi pumayag ang lalaki na umuwi siya hangga't may sakit siya. And he's right, she suffered from laceration kaya siya nilagnat. Nagpatawag rin kasi si Zeus ng doktor sa bahay nito para matignan siya. Nakakahiya talaga, buti na lang at wala sa bahay ng lalaki si manang Delia, umuwi pala ang matanda sa probinsya pansamantala, kundi, baka hindi na siya makabalik sa bahay ni Zeus sa sobrang kahihiyan.

Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa LCU. Tinanggal niya ang suot na seatbelt, akmang bubuksan na niya ang pintuan ng shotgun seat nang pigilan siya ni Zeus. "Bakit?" maang na tanong niya sa lalaki.

"Remember what we talked about last time? Yung idinagdag ko sa rules natin? Don't entertain other guys."

"Napaka-control freak mo talaga 'noh? Mr. Abraxas?"

Imbes na mainis sa kanya, ngumisi pa ang lalaki at sinapo ang mukha niya. "Yes I am, Miss Amalthea, especially when it comes to you, so don't you dare to disobey me because I am telling you, you don't want to see the darker side of me."

She gulped. Hindi niya alam kung bakit parang kinabahan siya sa sinabing iyon ng binata. She cleared her throat, saka siya pilit na ngumiti sa lalaki. "S-sige na, papasok na ako sa loob. Baka kanina pa naghihintay si Karen sa akin."

Hindi siya nakahuma ng biglang hilahin ng lalaki ang batok niya at mariing sinakop ng halik ang labi niya. His kiss was very passionate, walang pagdadalawang isip niyang tinugon ang halik ng binata. His other hand is on her waist. She put her hands on his neck, parted her lips to accept his kisses. Parehas silang hiningal nang maghiwalay ang labi nila, isinandal ni Zeus ang noo nito sa noo niya matapos nito dampian ng mabilis na halik sa tungki ng ilong niya.

"See you later, agapiménos."

-

"Grabe bes, akala ko talaga hindi ka na papauwiin ni Mr. Z eh. Nauubusan na ako ng palusot kay Tito, palagi kang tinatanong sa akin."

"Sorry talaga Karen ha? Salamat na rin, ayos na naman, nakausap ko na si Papi kagabi." Idinahilan niya sa ama na may team building sila ng mga katrabaho niya sa Dionysus, tutal hindi pa naman niya nasasabi sa ama na tinanggal siya sa trabaho sa bar. Wala naman kasi siyang maisip na ibang idadahilan kung bakit hindi siya nakauwi ng ilang araw.

"Ano ka ba, ayos lang 'yun. Teka nabanggit mo pala kanina na tinanggap mo na yung house and lot na binibigay sayo ni Mr. Z, kelan kayo lilipat?"

"Isa pa 'yan, iniisip ko rin kung paano ko sasabihin kila Papi ang tungkol doon sa bahay." wala kasi siyang maisip na pwede niyang idahilan sa Papi niya kung paano siya nagkaroon ng house and lot kung sakaling lumipat sila doon.

"Edi sabihin mo nanalo ka sa lotto, tas binili mo agad ng house and lot yung perang napalanunan mo."

"Karen, imposible yun, alam mo naman na alam rin ni Papi na never naman akong tumaya sa lotto."

"Hay, mamaya na natin isipin yan, kuha na muna tayo ng grade slip." nagpahila na lang siya sa kaibigan para kumuha ng grade slip. Buti na lang at kaunti pa lang ang pila sa registrar, nakasabay pa nila sa pila ang ilang kaklase nila.

Zeus' Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon