"Oo naman, isang beses lang." she paused. "At wala na kong balak pumasok muli sa ganyan." dagdag pa niya.

Sukat sa narinig ay mabilis akong nag-angat ng tingin para tingnan siya. Nakatuon lang ang pansin niya sa cellphone. "Para saan pa ang pakikipagrelasyon kung maghihiwalay din naman kayo bandang huli?" prenteng dagdag niya.

Napakunot noo naman ako. Saglit pa kami nagpalitan ni Belle bago ko muling ituon ang pansin dito kay Lara. "Broken hearted ka Lang?" parang ewan na tanong ko.

Nagulat pa ko ng bigla siyang tumawa. 'Yung tawang hindi mapang-asar. Bihira ko lang marinig kay Lara 'yan, sulitin na. "Dati oo. Pero ngayon, hilom na." doon lang niya kami tiningnan, at saka ngumit ng matamis. "Nairaos ko ang gabing paulit-ulit kong tinatanong ang sarili kung anong mali sa'kin." nilagay pa niya ang dalawang kamay sa likod ng ulo at saka ngumiti. "Ang sarap lang sa pakiramdam na nagawa kong lagpasan lahat ng problemang kinaharap ko mag-isa noon."

Sa pagkakataong 'to, natameme ako. Wala akong masagot sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya ngayon.

"Wala kana bang balak?" Belle asked. "I mean, pumasok muli sa isang relasyon? Magmahal muli?" pagpapatuloy niya.

Saglit lang kumunot ang noo ng isa bago muling ngumiti. "Wala na, siguro." she took a deep breath. "Tama na ang isang beses na natutunan kong magmahal."

Hindi agad kami naka-imik. Kahit si Sheki na nakasubsob ngayon sa desk niya, nakatingin na din kay Lara ngayon.

"Why? Natatakot ka ba? Na masaktan ulit?" Sheki asked all of sudden.

She just chuckled and shooked her head. "Nope" she replied, popping the "P". "Gusto ko lang masiguro na kung magmamahal muli ako, 'yon na ang huli, siya na ang huli." nakangiting saad niya. "Pagod na ko mag-explore, hindi narin naman ako bata pa para diyan."

At muli na namang namayani ang katahimikan sa'min. Minsan lang magsalita ng ganyan ka-deep si Lara, at hanggang ngayon, nagugulat parin ako sa kanya. Ibang-iba kasi siya kapag ganyan na siya, 'yong mindset niya kakaiba. Bibilib ka talaga.

"Kapag nagmahal kasi kayo, siguraduhin niyong true love na, at hindi palpitate." isa-isa pa niya kaming tiningnan. Napa-iwas tuloy ako ng tingin. Parang basag ee.

Natapos lang ang pag-uusap naming 'yon nang dumating na ang prof namin. At dahil nga exam ngayon, bantay sarado kami. Miski ang lumingon para mag-inat ng leeg, bawal. Napaka higpit. Mas mahigpit pa kaysa kay Ate. Hmp!

Mahigit ilang oras ang natapos ko ngayong araw para sa tatlong exam. Pagod na nasubsob ko ang mukha ko sa bag na nakapatong lang ngayon sa lamesa. Nakakapagod. Pigang-piga ang utak ko. Gosh.

Hindi naman kasi ako mahihirapan ng ganito kalala ngayon kung nakapag-aral pa ko ng matagal. Kasi naman, unahan pa ang landi kaysa sa review, ayan napapala. Tss.

"Tingin niyo, sino Summa Cumlaude ngayon sa batch natin?" bulong ni Belle.

Napatuwid naman ako ng pagkakaupo ko. Nasa canteen na kasi kami ngayon, si Lara na lang nabili ng pagkain namin kasi siya narin nagpresinta. "Malamang si Alice, o kaya si Pablo, alinman sa dalawa." Sheki said.

Under The Shade (SeBy) Where stories live. Discover now