#

Nang makarating kami sa mansion ng mga Atkinson, agad akong binati ng mga kasambahay nila. Hinatid pa nila ako sa guest room kung saan ako mananatili. Kahit na pamilyar ang mansion sa akin, pakiramdam ko pa rin ay hindi ako nabibilang dito.

Isang maliit na maleta lang ang dala ko kaya mabilis ko itong naayos at nailagay sa malaking walk-in closet. May mga damit na rin doon na hindi ko alam kung mga damit ba ni Liatris o ng nanay nila.

Matapos kong magbihis ng pambahay na damit, lumabas ako ng kwarto para maghanap ng kasama. Para kasing nasasakal ako sa lawak ng kwarto.

Dahan dahan akong naglakad sa malawak na hallway. Hawak ko ang tsinelas ko habang naglalakad kasi nakakahiyang umapak sa makintab nilang sahig.

"Hija, ano'ng ginagawa mo?"

Napatigil ako sa paglalakad sa narinig kong boses. Muntik ko na ring mabitawan yung tsinelas na hawak ko. Lumingon ako at nakita ang lolo nila na may hawak na tungkod habang nakatingin sa akin. Naka-light blue siya na short-sleeved polo at puting shorts. May sumbrero rin siya at yung shades niya ay nakasabit sa may gitna ng polo niya.

"Lolo A, sorry po. Ah... gusto ko lang sanang lumabas..." I answered.

The old man chuckled. "Okay lang, hija. Pero you don't have to take off your slippers."

I forced a smile, putting my slippers down and slipping my feet into them. "Thank you po pala sa pag-invite sa akin dito."

"No problem. Magiging parte ka na ng pamilya namin kaya you might as well get used to it."

I swallowed hard. Hindi ko nga alam kung ano ang mararamdaman ko tungkol sa adoption. Hindi pa ako handang maging parte ng pamilya nila.

"Gusto mo ba akong samahan sa labas?" Pag-aya nito.

Hindi ko siya natanggihan pa kaya sinundan ko siya sa malawak nilang garden sa likod ng mansion. Nakaupo kami sa may balcony area habang nakatingin sa papalubog na araw. Ang tahimik ng lugar. Walang ibang maririnig na tunog kung hindi ang mga huni ng ibon at insekto.

"Ang ganda po dito," komento ko habang nakatingin sa malawak nilang garden na pwede nang gawing golf course.

"Malungkot nga lang..." sagot ni Lolo A sabay higop sa tsaa nito. "Ano'ng silbi ng ganda kung hindi mo naman kasama ang mga mahal mo sa buhay, hindi ba?"

Tumango ako. Sa pagkakataong iyon, na-realize ko na totoo ang mga sinasabi ni Lolo A. Walang halaga ang kahit na anong bagay kung hindi ka naman masaya at hindi mo naman kasama ang mga mahal mo sa buhay.

"Kumusta ka na, hija? Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon," he suddenly remarked.

"Hindi nga po madali. Minsan naiisip ko... gusto ko na ulit makasama si papa," pag-amin ko.

"Nung nawala ang asawa ko, pakiramdam ko guguho ang mundo ko. Naisip ko ring kunin ang sarili kong buhay. Pero naisip ko ang mga naiwan naming anak. Kung magiging makasarili ako, sila rin ang magdurusa. At hindi titigil ang paghihirap nila," he explained.

"Kung pakiramdam mo mag-isa ka lang, humanap ka ng makakausap. Kaibigan man yan o estranghero," pagpapatuloy nito.

Napatigil ako sa mga sinabi ng matanda. Simula nung mawala si papa, lagi kong naiisip na mag-isa nalang ako. Hindi ko rin naman kasi nakakasama ng matagal si mama. Minsan nga mas gusto ko nalang na nasa labas ako dahil wala rin naman akong kasama sa bahay.

"Lolo A, seryoso yata yang usapan ninyo." Sumulpot si Markell sa kung saan at nakita ko nalang na niyayakap na niya ang lolo niya.

Lumaki ang ngiti ng matanda sa pagdating ni Kell. "Nandito na pala ang apo ko."

"Ang paborito niyong apo?" Pabirong tanong ni Markell.

"Paborito ko kayong lahat," sagot naman ng matanda.

Sumimangot si Kell sa sagot ng lolo niya. Bigla ko tuloy namiss ulit si papa dahil sa lambingan nila.

Markell turned to me. "K, buti at sumama ka."

I frowned at him. "Eh may pinadala ka kayang bodyguard."

He shrugged. "I have to. Baka hindi ka sumama kung hindi ko sinabihan si Logan na sunduin ka."

Biglang umubo si Lolo A kaya napatingin kami sa kanya. "Okay lang po ba kayo?"

Tinaas niya ang kamay niya habang binabalik ang normal niyang paghinga. "Kailangan ko na yatang bumalik sa loob ng kwarto ko."

Lumapit si Markell sa lolo niya. "Sige na 'lo. Hatid ko na kayo."

Sinamahan ko na rin si Markell hanggang sa makabalik si Lolo A sa kwarto niya. Nakahanda na rin ang hapunan niya sa may mesa kaya hinayaan na namin siya. Kasama rin niya yung private nurse niya doon.

"Ano'ng gusto mong dinner?" Tanong ni Markell nang makalabas kami sa kwarto ni Lolo A.

"Bakit? Ipagluluto mo ba ako?" I asked back.

Tumango naman siya sabay labas ng dimple sa pisngi niya. "Oo naman. Ano'ng itlog ba gusto mo? Sunny side up? Egg's Benedict? Omelette?"

"Hmm..." I paused, pretending to think about it. Hindi naman talaga nagluluto si Markell. Kahit simpleng pagprito ng itlog, hindi niya magawa ng tama.

"You know what," he spoke again. "Mas mabuti pang sabihan ko nalang si Manang Isang na magluto ng dinakdakan. Tutal hindi ka naman nagsasawa doon, hindi ba?"

I smiled. "Mabuti pa nga."

Habang pababa kami sa mahabang hagdanan, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa may bulsa ko kaya kinuha ko ito. Isang message galing kay Brianna ang nagpakita sa screen ko. Pipindutin ko na dapat ito nang biglang bumungad ang pangalan niya. Tumatawag na siya.

"Hello, Bri? Bakit-"

"K... si Jale..." Mahina ang mga hikbi ni Brianna pero rinig na rinig ko ito galing sa speaker ng phone ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

"Bakit? Ano'ng nangyari?" Napatigil ako sa gitna ng hagdan.

"What's wrong?" Markell mouthed at me pero hindi ko na siya inintindi.

"Kanina pa siya nagwawala dito sa bar. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Hinigpitan ko ang hawak sa cellphone ko habang pinipilit na iproseso ang mga sinabi ni Bri. "Nasaan kayo ngayon?"

"Dito sa Gypsy bar malapit sa apartment natin."

"Huwag kang aalis. Pupuntahan namin kayo." Binaba ko na ang tawag at huminga ng malalim bago ko tinignan si Markell na kanina pa nakatitig sa akin.

"K, say something," alalang sabi ni Kell sabay hawak sa kamay ko.

"Kailangan nating puntahan sina Jalen at Bri."

🍭

A/N: Ano kaya ang nangyari? 🤔

#chaoswalking

#chaoswalking

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Lollipop Project [Gen L Society #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon