CHAPTER 39- THE TRIAL

Start from the beginning
                                    

Ha! Seryoso bang executive ang mga ito? Mas balasubas pa kaysa kay Ashari e. Sinong uto ang pipingot sa tenga ng mas nakakatanda sa kaniya?

"Aray Acre bitawan mo ako! Nakalimutan mo na ba na lolo na ako at dapat ay bigyan mo ng galang--ARAY!"


Hindi pinansin ni Acre si Zaire. "Huwag niyo nang pansinin ang sinasabi niya." ani nito kay Adolfo, Easton and others bago tumingin kay Ashari.

Pinagmasdan ni Acre mula ulo hanggang paa ang babaeng kaharap niya.

"You seem normal. It's a thing that one hundred percent of the executives voted for your trial." wika ni Acre habang nakalagay ang kanang mga daliri sa baba habang pinagmamasdan si Ashari.

Ahhh. Kaya pala one hundred percent ang tawag sa kaniya ni Senior Zaire. Ibig sabihin, lahat ng myembro ng executive ay in-aprubahan ang trial niya.

Walanjo.

Mas mataas ang boto, ibig sabihin mas seryoso ang kakaharaping trial ni Ashari.



"Bitawan mo na tenga ko, bata ka!" sa matanda at u-ugod ugod na katawan ni Zaire, inipon niya ang lakas para tapikin ang kaliwang kamay ni Acre na nakapingot pa din sa tenga niya.

Binitawan din naman siya ni Acre. "Naghihintay na ang lahat sa courtroom. We'll lead the way." ani ni Acre bago naunang maglakad.

Leche ito na!

Papunta na sila sa kwarto kung saan nakasalalay ang buhay ni Ashari.

Nagsimula na silang maglakad nang biglang maramdaman ni Ashari na may malamig na kamay ang humigit sa pulsuhan niya.

Si Easton...

"I have something to say..."

Natigilan si Ashari ng makita ang pagbabago ng ekspresyon ni Easton. From masungit na mukhang papatay to parang tuta na mawawalay sa ina. Walangya, huwag siyang ganyan makatingin, kumakaldabog ang puso ni Ashari.

"After your trial, let's....let's talk"

Kung hindi lang iniisip ni Ashari ang buhay niya ngayong mga oras na'to, baka sumabog na ang puso niya sa pagkalabog. Walanghiya!

Kinakabahan lang siya. Ikaw man malagay sa bingit ng kamatayan.

Normal lang na magkikislot ang puso niya!

Napayuko nalang si Ashari at napatitig sa pulsuhan niya na hawak ni Easton. Ayaw niyang tumingin sa mata nito.

Gaano siya ka sure na pagkatapos ng trial na'to e makakapag-usap pa sila? Malay ba natin kung matetegi na pala si Ashari o hindi.

"Oo, mag-uusap talaga tayong dalawa!" sagot niya habang naka-iwas ng tingin.

Hindi pwedeng hindi! Madaming tanong si Ashari kay Easton tungkol sa existence ni Gali.

Binitawan na ni Easton ang pulsuhan niya. Naglakad na si Ashari pasunod kay kumareng helen.

Sa courtroom ng ikadalawamput isang palapag ng building dinala si Ashari.

Nag karoon ng kaunting briefing sa kaniya kaya naman nahiwalay na siya kayna Easton at Kumareng Helen.

Mag-isa siyang nakatayo sa labas ng tinted glass door ng courtroom. Napapapadyak nalang siya ng mahina habang kumakabog ang dibdib sa sobrang kaba.

Pakiramdam niya babalatan siya ng buhay at babahiran ng asin oras na makapasok siya sa loob.

Please lang!

Nawa e matinong lawyer talaga ang mapunta sa kaniya.

Automatic na bumukas ang pinto. Parang pinagsakluban ng tone-toneladang bato ang puso ni Ashari sa kaba.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now