Chapter 25

45 12 1
                                    


    "Hi."

Napangiti ako ng marinig ang boses na iyon mula sa likuran ko. Lumingon ako sa kanya at nandun na naman ang kakaibang pakiramdam sa tuwing malapit siya sa akin.

    "Hello." I smiled.

    "Hatid na kita."

Kumunot naman ang noo ko. "Akala ko ba may gagawin ka ngayon kaya hindi mo ako maihahatid?" I asked him.

    "It was canceled." He answered. Kinuha nito ang bag ko na dala-dala ko kaya binitawan ko nalang dahil sanay na rin naman ako sa ganyang gestures niya.

Thursday kasi ngayon at hindi siya pumasok dahil may importante raw siyang lakad kaya hindi niya ako maihahatid.

    "Why? Is that because of me?"

Pinagbuksan niya ako ng pinto nang kotse at isinirado, pagkatapos ay umikot ito papunta sa kabilang side ng kotse. Pumasok siya sa driver seat.

    "Partly, yes."

    "Partly? What do you mean?"

Nakatingin lang ako sa kanya habang minaobra niya yung sasakyan. Tumingin muna siya sa akin bago niya pinaandar ang kotse.

He smiled. "I canceled my appointment because I want to be with you tonight and my Dad said it so." Then, he glanced at me and winked.

Pinamulahan ako ng mukha bigla dahil sa ginawa niya. Napanganga pa ako pero nakabawi rin agad kaya hinampas ko siya sa braso na ikinatawa niya lang. Napailing nalang ako pero napangiti naman. I love his laugh. It's really sounds good to my ear.

     "So, saan mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya.

     "A place where it's only you and me." Wika niya bago hawakan ang kamay na nasa hita ko nakapatong. Hinayaan ko lang siya dahil gusto ko rin naman na nakahawak sa akin ang kamay niya.

Hindi ko talaga inaasahan na sobrang sweet ni Lock. Hindi kasi mababakas sa kanya dahil palagi itong seryoso at sobrang lamig. Pero once you knew him, you'll be the luckiest person on earth.

     "Date ba 'to?" I teased him.

Lumingon siya saglit sa akin at ngumiti ng matamis bago siya ulit tumingin sa daan. Goodness gracious, that smile again. Palagi nalang siyang naka-smile sa akin, baka hindi ko namamalayan na naa-addict na ako sa ngiti niyang iyan.

     "Yes, it's a date. I want to be with you tonight 'cause we won't meet tomorrow." Nahihimigan ko ang lungkot sa boses niya.

     "Why? Hindi ka ulit papasok bukas?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

     "Parang ganun na nga, may aasikasuhin kasi ako bukas kaya hindi kita maihahatid." He quickly glanced at me. "This time, totoo na may lakad akong importante."

I squeezed his hand, telling him that it's fine. "It's okay, I understand." Pag-a-assure ko sa kanya.

     "I'm gonna miss you." He whispered, but I heard it clearly.

And because of that simple words, my heart begun to beat faster. Simpleng salita niya lang, simpleng galaw niya lang ay parang nasa marathon itong puso ko. And then, para akong nagsa-somersault dahil sa mga ngitian niya.

Weird ko na ba? Kasi ganun ang nararamdaman ko para kay Lock. Nararamdaman ko rin naman kay Markhiel yung pagtibok ng puso ko ng mabilis pero nawawala rin agad, hindi kagaya ng patibok ng puso ko kapag si Lock na ang nasa harapan ko. Hindi kasi nawawala kapag nasa tabi ko siya.

Tumawa ako, 'yung tawang kinakabahan. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Aminin ko man o hindi sa sarili ko ay alam ko kung ano ang totoo. But I can't afford to tell him the truth because I'm scared. Scared of everything that will gonna happen when he finds out the truth behind this 'thing' we have right now.

He Adore Her From Afar (On Hiatus)Where stories live. Discover now