CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION

Start from the beginning
                                    

Kasi natatanaw ko na 'yung pintuan papunta sa lagusan ng sagot sa mga problema ko.

'Yung pintuan na kasing luma ng cellphone ni Aling Marites at kasing tanda ni Enrile.

Bumagal ang paglakad ko. Bakit parang bigla akong kinabahan.

Napalunok ako at dahan dahang tumingin sa paligid. Wala namang nakakakita sa akin maliban kay Dyther diba?

Humugot ako ng hininga ng makatapat na ako sa pintuan.

Bigla kong naalala 'yung araw na dito din mismo sa kwarto na'to nalaman ko na mafia pala ang mga taong nakapaligid sa akin dito sa Marchese.

Hindi ko naman akalain na babalik pala ako dito para mangalap ulit ng issue at chismis!

Project Exg

Kung ano man ang project na'yon, dapat mong tandaan Ashari na sa Prohect ExG nakasalalay ang magiging desisyon mo.

Hinawakan ko ang nangangalawang na doorknob. Buo ang loob kahit mejo kinakabahan na pinihit ko iyon pabukas.

Tungek din kasi mga Marchese noh, hindi marunong maglock ng pinto. Ayan tuloy, nasusuplong lahat ng sikreto nila.

Pagbukas ng pinto, sumalakay nanaman sa ilong ko ang amoy matanda at amoy lupa na kwarto. Hindi ba nila nilalagyan ng air freshener 'tong kwarto na'to?

Ininara ko ang pinto. Pagpasok ko sa loob, binuksan ko ang kikindap kindap na mga vintage lamps.

Agad bumagsak ang tingin ko sa kahoy na office table. Nandoon pa din 'yung mga files, folder at syempre yung libro.

Iyong libro na kaylangan ko.

Dahan dahan akong naglakad palapit doon.

"Ashari wala ng cctv diyan sa kwarto. Did you find what you are looking for?" tanong ni Dyther sa kabilang linya ng wireless earphone.

"Oo, nakita ko na." wala sa sarili kong bulong sa kaniya habang nakatitig sa libro na nasa table.

Project ExG : Exploring Peace between Mafian Organizations.

Pagbasa ko sa utak ko ng pamagat ng libro.

Peace?

Exploring Peace pero bakit parang gulo naman ang dala ng Project na'to? Base sa mga nangyari nitong mga nakaraan, wala akong peace na nakikita!

Sinong loko loko ba naka-isip ng pamagat ng libro na'to ha? Panget nila kabonding!

"You found it already? That's good. Now, go back. Hindi ka pwedeng abutin ng gabi diyan."

Hindi ko sinagot si Dyther.

Umupo ako sa swivel chair at may pagkabog sa dibdib na binuklat ko ang unang pahina ng libro.

Foreword.

Binasa ko pero tanging patungkol lang sa MPO at ang relasyon nito sa Mafias ang nakasulat sa panimula.

"Ashari what are you doing? I said go back!"

Binuklat ko ang iba pang pahina.

"Ashari!"

Binasa ko ang mga nakasulat.

"ASHARI!"

"Shhhhhh!" Pagbawal ko kay Dyther. Ang ingay niya, kitang seryoso akong nagbabasa e.

"What are you doing?"

"Nagbabasa."

"Nagbabasa?"

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now