◇ one ◇

522 13 4
                                    

"Hoi Hanma bumalik ka dito putangina mo!" Sigaw ng isang lalaki habang hinahabol si Hanma.

Tumakbo si Hanma palabas ng bahay habang nagsusuot ng damit.

"Tangina ka wala akong kasalanan sa'yo! Asawa mo may gusto sakin!" Sigaw ni Hanma habang tumatakbo papalayo sa bahay na nilabasan niya.

Sabay sa pagtakbo niya ang malakas nyang paghalakhak. Nang hingalin siya ay sandali siyang umupo sa may tindahan habang hinahabol ang kanyang paghinga.

"Hoi Hanma. Ano nanamang ginagawa mo?"  Tanong ng isang lalaki na nakasakay sa motor.


Napatingin si Hanma sakanya.


"Tinira mo nanaman asawa ni Mang Nestor no?"  Dagdag na tanong ng lalaki kay Hanma.

"Ano nanamang kailangan mo?"  Sambit ni Hanma.

"'Wag mong kakalimutan, kailangan mong pumunta sa meeting mamaya."  Sagot sakanya ng lalaki.


"Ang kulit mo naman putangina mo ang dami mong satsat. Oo pupunta ako."  Inis na sinabi ni Hanma.


Tumayo si Hanma at naglakad papalapit sa lalaki.

"Akin na 'yang motor ko. Uuwi muna ako."  Kanyang sinabi habang kinukuha ang susi at tinataboy ang lalaki papaalis sa kanyang motor.


"Wag ka nanamang tatanga tanga mag-drive!"  Sigaw ng lalaki habang paharurot na umalis si Hanma.


Malamig na hangin ang sumasalubong kay Hanma habang siya ay matulin na nagpapatakbo ng kanyang motor. 


Nang makita niya ang malapit na playground, nagpaharurot pa siya lalo ng kanyang motor. Biglang may lalaking tumayo at tinangkang tumawid.


"Hoi putangina mo tabeeee!"  Sigaw ni Hanma. 


Nakahandusay ang lalaki. Umalis si Hanma sa kanyang motor at nilapitan ang lalaki.


"Kingina ang malas ko naman oh."  Sabi niya sa kanyang sarili.


"Hello? Buhay ka pa? Hoi?"  Tanong niya sa lalaking walang malay at nagdudugo ang parteng noo.


"Puta bahala na."  Sinabi ni Hanma habang binubuhat ang lalaki. Mabuti na lamang at walang tao sa lugar dahil saktong tanghaling tapat at tirik na tirik ang sinag ng araw.


Sumakay siya sa motor, habang ang lalaking walang malay ay nakasandal sa kanyang likod.


Nang sila ay makarating sa bahay ni Hanma, inilapag niya ang lalaking walang malay sa kanyang higaan. Kumuha siya ng pamunas at binasa ito ng tubig, saka ipinunas sa nagdudugong noo ng lalaki.


"Gumising ka na anak ng putcha naman oh."  Sinasambit ni Hanma habang pinupunasan niya ang lalaki.


Nang matapos niyang punasan ang lalaki, umupo siya at binantayan ito.


Lumipas na ang hapon at nakaidlip na rin si Hanma kakahintay. Bandang mag-aalas kwatro na, nagising sa pagkakaidlip si Hanma. 


Pagmulat niya ng kanyang mata, nagulat siya nang makita niyang nakaupo na ang lalaki sa kanyang kama.


"Hi."  


"Anong hi hi ka diyan putangina mo umalis ka na dito." Sabi ni Hanma.


"Ikaw yung nakabangga saakin diba?"  


"Bakit? Papakulong mo 'ko?" Tanong ni Hanma.


"Bakit 'di mo nalang ako sinagasaan ng tuluyan?"


"Pinagsasabi mo? Mukha ba akong mamamatay tao?"  Sambit ni Hanma.


"Hindi naman. Sorry."  


"Umalis ka na. Nasasayo nalang kung gusto mo ako ipakulong."  


"Bahay mo ba 'to?"  Tanong ng lalaki sakanya.


"Oh bakit?" Sagot ni Hanma.


"Ang dugyot. Nililinisan mo ba 'to?" 


"Aba gago ka pala, ikaw nalang nakikipasok dito ikaw pa nanlalait."  Sabi ni Hanma.


"Ikaw kaya nagpasok sakin dito."


"Wala akong pakialam. Umalis ka na."  Pakiusap ni Hanma sakanya.


"Hindi kita papakulong no." Sabi ng lalaki.


Napatingin siya kay Hanma.


 "Pero may request ako sa'yo."  Dagdag pa niya.


"Ano?" Tanong ni Hanma.


"Pwede ba akong makitira dito kahit isang linggo lang?"


Iris // Kisaki x Hanma AUWhere stories live. Discover now