"Basta siguraduhin mong tao 'yan Aya." kuya Ugi said.

Napuno naman ng malakas na tawanan namin itong hapag. Hindi din nagtagal at agad na kaming nagsitayuan. Dumeretso na ko sa kwarto ko para simulan na ang pagrereview. Napaka dami ko pang aaralin. Tapos sa susunod na araw na agad ang exam. Ang hassle na naman. Hay buhay.

Mabilis ang pagkilos na ginawa ko para maayos ang mga gamit ko. Inihanda na ko  din ang lahat ng mga librong aaralin ko ngayong gabi, habang iba ay bukas naman. Ayaw ko pang mamatay, hinay-hinay lang.

Hindi pa ko nakakatagal dito sa pwesto ko ng may isang batong bumagsak sa librong binabasa ko. Nagtatakang kinuha ko naman 'yun. Saan galing 'to?

Tuluyan na kong napatayo ng maramdaman kong may tumama sa bandang uluhan ko. Hindi naman madilim sa loob ng kwarto ko kitang-kita ko ang maliit na batong nandito ngayon sa floor ng room ko.

Teka nga, sino ba ang pasaway na namamato sa'kin ngayon?

"Marsela"

Lahat ng katanungan sa isip ko ngayon, nasagot na. Nang mapalingon ako para tingnan ang nagmamay-ari ng boses na 'yun. Prente lang siyang nakatayo sa veranda habang malaki ang pagkakangiti sa'kin.

Inis na binato ko naman siya pabalik nitong batong hawak ko. Nakakainis talaga siya. "At anong ginagawa mo dito babae?" may kahinaang tanong ko habang nakapameywang sa kanya.

Imbes na sagutin ang tanong ko, pumasok lang siya ng tuluyan dito sa kwarto ko at prenteng nahiga sa kama. Wow lang talaga. "Wala lang, tatambay lang sana." she replied and looked at me. "Pwede naman siguro ano?"

Inirapan ko lang siya saka ako bumalik sa study table ko. "Paano ka nakaakyat do'n? May pintuan kami sa baba, doon ang daanan at hindi diyan sa veranda ng kwarto ko." mahabang lintanya ko.

Tinuon ko lang muli ang atensyon sa libro ko. "Nakakatakot magpakita sa ate mo." she replied. "Baka katayin ako."

Mahinang napatawa naman ako at agad na tiningnan siya. Nakapikit na siya ngayon, pero mahahalata paring gising siya.

"It's your fault Abelaine." Binalik kong muli ang atensyon sa binabasa. "Masyado kang mapusok." I added.

She just laughed at me. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang pagbangon niya. "Wag mo akong sisihin Marsela. In the first place, it's your really fault."

Maang na tiningnan ko siya. "Anong ako? Hoy para sabihin ko sayo, ikaw ang bigla-bigla na lang nanghalik diyan kanina." upakan ko kaya siya para matauhan? Kainaman. "Nakalimutan mo na ba? Gusto mong ipaalala ko sayo?" kinuha ko 'yung pinaka makapal kong libro at pinagpag sa harap niya na para bang tinatakot ko siya.

Pero imbes na matakot, tinawanan lang niya ko. Hindi ba talaga siya natatakot sa'kin? "Hindi ko kasalanan na masyado kang hot sa paningin ko Sela." tinukod niya pa ang siko sa tuhod niya at humalumbaba habang nakaharap sa'kin. "Kaya malamang sa malamang, hindi ko kasalanan kung bakit tayo nakita ng ate mo kanina." nakangising dagdag pa niya.

Under The Shade (SeBy) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें