I.

32 1 1
                                    

"Are you living? Or just merely existing?"

***

Pabagsak kong isinara ang librong kasalukuyan kong binabasa nang mapansin ko ang paparating na presensya.

Ugh here we go again.

"Keep yourself away from me. Back off," I lowly uttered with a stoic face.

"Gusto lang kitang sabayan mag-aral, hindi ba pwede?" Mahina n'yang sagot na may ekspresyong nanunuyo.

"By then, you can have the table," tipid kong wika saka tumayo at akmang isasauli na ang librong kinuha ko nang bigla s'yang lumitaw sa harapan ko.

"Why are you so distant?" He asked, blocking the shelf from me.

"Move," I uttered in conserve, obviously showing no interest to answer his repeated question.

Napabuntong-hininga na lang s'ya at kakamot-kamot sa ulo na tumabi.

Agad akong tumalikod sa kan'ya at naglakad palabas matapos kong maisauli ang libro at kumuha ng panibago upang pag-aralan para sa paparating naming midterm exam.

Saglit pa akong tumigil sa may librarian upang ipag-paalam ang libro.

Nang makalabas ako ng library ay sinalubong ako ni Jaxen. Nakabusangot ang mukha at salubong ang mga kilay.

"Bagsak ka sa quiz ninyo sa Calculos ano?" Tanong ko sa kan'ya na may halong pang-aasar. 

Nothing makes her face look like that than failing her Calculos quizzes.

"Kasalanan 'to ng Prof namin. Gad, he don't know how to explain," paninisi n'ya pa sabay hawi sa buhok n'ya.

Napailing na lang ako saka mahinang natawa.

"Panindigan mo 'yan. You took engineering e," wika ko sa kan'ya.

"Yeah. Kain na tayo, wala kang klase ngayon?" She asked instead.

"I have later at one. Lecture namin sa Industrial Psychology," sagot ko saka nangunang maglakad patungo sa may canteen.

Tumango lang s'ya sa sinabi ko at sinabayan na 'ko sa paglalakad. And as usual, habang naglalakad ay nag-ra-rant na naman s'ya kung gaano ka stressing ang araw at subjects n'ya.

Tahimik na lang akong nakinig at paminsan-minsang tumatawa.

"Dalawang beef steak po at isang siopao," wika ko sa tindera.

Hanggang sa nakaupo kami sa may upuan na inihanda ng may-ari ng stall ng Tapsilogan ay hindi pa rin natapos ang pagrereklamo ni Jaxen.

"Ewan ko na lang din dun sa lalakeng yun. Mukhang sa bawat department 'ata ay may tinitirang babae," wika n'ya habang pinapaypayan ang sarili dahil sa init na hatid ng tanghali.

This time, she was talking about Arkio, the same guy who keeps on bugging me. The one who bothered me in the library earlier. 

Jaxen is right. Mukhang halos sa lahat ng department ay may tinitira ang lalakeng iyon. At isang malaking kamalasan na mula sa department namin ay ako pa ang napag-tripan n'ya.

Well, his bad tho. Mapipikot n'ya na ang lahat pero hindi ako. There's no way that a great playboy will ever get me tho. Besides, I'm not into those things. I'm focusing on my studies and on my future career.

Isa pa ay siguro isang malaking advantage na isa kang psychology student dahil madali mong mababasa ang kilos ng isang tao kung sila ba ay totoo sa 'yo o hindi.

And that Arkio? Nay, he's just goofing around. Namemeste lang s'ya sa 'kin.

"Is he still bothering you?" Tanong n'ya sa 'kin.

Will of FateWhere stories live. Discover now