Paliwanag nya, naliwanagan ang lahat sa mga plano nya.
JERRY: Tama, maganda yung naisip mong plano. So, ang kailangan na lang nating gawin ay umakyat sa taas para balikan yung mga ballpen.
CANDICE: Saglit, napaka-nonsense ng naisip nyong plano. Ano namang matutulong nyan sa sitwasyon natin ngayon? Kasama man natin ang Game Maker o hindi, nasa panganib pa rin ang buhay natin. Kailangan ang mga iniisip nating paraan ay yung magliligtas sa buhay natin dahil wala na tayong oras.
NICO: Well, sa tingin ko naman makakatulong din to sa'tin in some other way. Para malaman na rin natin kung ano ba talaga yung totoo at hindi tayo naghihinala sa isa't isa.
Bigkas ni Nico at sumang ayon din ang lahat sa kanya. Walang nagawa si Candice kundi ang manahimik na lamang din.
RANDY: Ok, so ano sa tingin nyo? Itutuloy ba natin yung plano, para masagot na rin yung tanong natin.
NICO: Ako payag ako. Sasama akong aakyat sa taas.
JUSTIN: Sasama din ako.
KYLA: A-ako din.
Nahihiyang bigkas ni Kyla.
RANDY: Ikaw, Alfie. Kailangan mong sumama.
Utos ni Randy.
ALFIE: Huh? A-ako? B-bakit kailangan kasama ako?
RANDY: Kasi ikaw yung may alam kung nasaan yung silid na pinanggalingan mo kanina.
ALFIE: Huh? Hi-hindi rin, hindi ko naman kabisado tong lugar na to e.
JERRY: Sumama ka na, kailangan ka doon.
Nakatingin ang lahat ng mga mata kay Alfie kaya't wala na syang magawa kundi ang pumayag.
RANDY: Ano, tara na!
Yaya ni Randy. Papaalis na sana sila ng biglang-
VOICE: Aaaaaaaaaahhhhhh!!!
Isang tili ang kanilang narinig.
MARICAR: Si Jessica yun ah.
Agad na nakaramdam ng kaba ang lahat ng marinig ang boses na iyon at ngayon lang din nila napagtanto na mula ng nagpaalam si Jessica na mag-CR ay hindi pa ito bumabalik.
Dahil sa takot at kaba na baka kung napano na si Jessica ay sabay-sabay silang nagsitakbuhan. Patuloy pa rin nilang naririning ang boses ni Jessica na sumisigaw.
JERRY: Jessica, nasaan ka!!!
Sigaw nila.
JESSICA: Tulungan nyo ako!!
Tugon nya.
NICO: Nasan ka?!
JESSICA: Tulooong!!!
Habang tumatakbo sila ay papalakas ng papalakas ang boses ni Jessica, palatandaang malapit na sila. Nagpatuloy lamang sila sa pagtakbo hanggang nakita nila si Jessica na nakatayong mag-isa at takot na takot. Agad nila itong nilapitan at pinakalma.
JOANNA: Anong nangyari?
KYLA: Ayos ka lang?
Pag-aalala ng lahat sa kanya.
JESSICA: A-ayos lang naman ako.
NICO: Ano bang nangyari?
ALFIE: Oo nga, bakit ka sumisigaw?
JESSICA: Huh? A.. e.. n-naliligaw na kasi ako, hindi ko na alam yung pabalik.
JULIAN: Kaya ka sumigaw, dahil dun?
JESSICA: A.. Oo, para puntahan nyo ko. Hehehe, p-pasensya na guys, hehe.
JUSTIN: Ang talino mo din a.
JESSICA: Hehe, sorry talaga sa abala.
NICO: Ayos lang yun, akala naman namin kung napaano ka na.
Nakahinga ng maluwag ang lahat.
JERRY: Uy, di ba aakyat pa kayo sa taas?
Paalala ni Jerry kina Randy.
RANDY: Oo nga pala, tara na.
Yaya ni Randy sa mga sasama.
HIKO: Teka, sigurado ba kayong aakyat na kayo ngayon?
Tanong ni Hiko dahilan upang mapalingon ang lahat sa kanya.
JUSTIN: Oo, bakit?
HIKO: Tignan nyo ang oras, hindi na kayo makakaabot sa susunod na laro kung aakyat pa kayo sa taas ngayon.
Bigkas nya, napatingala ang lahat sa LED clock at nakita nila ang oras. 12:51AM.
Naalala ng lahat ang oras ng susunod na laro. Dahil dun agad silang napatakbo pabalik ng bulwagan.
JESSICA: Teka, bakit nyo ba kailangang umakyat sa taas?
Tanong ni Jessica habang tumatakbo sila.
JERRY: Mahabang kwento, mamaya na lang namin ipapaliwanag.
Nagpatuloy sila sa pagtakbo hanggang sa makarating sila sa bulwagan. Pagdating nila roon ay nakalabas na ang mga cubicle nila mula sa mga pader. Maging ang cubicle ni Kathleen ay nakalabas din at naroon pa rin sa loob ng cubicle ang kanyang bangkay. Napalingon ang lahat sa cubicle ni Kathleen na wari'y nagluluksa. Nakita rin nila ang lungkot sa mga mata ni Randy.
JULIAN: Guys, apat na minuto na lang. Pumasok na tayo sa loob.
Nagsipasok ang lahat sa kanya kanya nilang cubicle. Sumapit ang ala una at kusang nag-lock ang mga pinto na cubicle nila, kasabay rin nito ay ang paglabas ng mga puting usok sa paligid na sinasabing isang lason. Hindi nila muling nakita ang isa't isa dahil sa puting usok na nakaharang sa paligid at sa pagkakataong ito ay hindi rin sila makapausap sa isa't isa.
Ilang saglit pa ay ihinulog na ang tatlong dice sa tatlong cubicle at nagsimulang magbilang ang sampung segundo.
ΦΦΦ END OF PART X ΦΦΦ
••• This chapter is dedicated to JulieAnnHije. Hikhik!! •••
*** Medyo mahaba ba?? Hehe.. Ok lang yan. Worth it naman kapag umabot ka na sa dulo. Matutuwa ka sa dami ng twist ng story, hehehe.. I guarantee it *wink!* ***
»»» Who will die next? «««
> Comment Your Thoughts <
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART X
Start from the beginning
