9

26 5 0
                                    

"Okay!" After the last person in line went into the portal, I finally closed it and sighed in exhaustion. "I need a quick break before—" I jolted when I saw three demi-humans behind me. I'm pretty sure I told them to fall in line so that there's no commotion when entering the portal that will lead them to Doxioly Nation. So why are there still demi-humans here? 

Wait…

"Pasensya na kung nandito pa rin kami. Ako nga pala si Adela. Itong dalawang 'to naman ang mga kapatid ko, si Sana at si Azuna." Pagpapakilala niya

"Bakit hindi kayo sumailalim sa berbal na kontrata?" tanong ko. Since I'm the one who sealed the contract, I know everyone who undergoes it. 

Umiling si Adela. "G-Gusto namin sumama sa paglalakbay mo!" Matapos niyang sabihin 'yon ay bigla siyang yumuko sa harap ko. "Maraming salamat sa tulong na ginawa mo para sa aming lahat. Gusto kong suklian ang kabutihan mo kaya—"

"Pasensya na pero hindi kayo pwedeng sumama sa 'kin." Pagputol ko sa sinasabi niya. 

Gulat siyang nag-angat ng tingin na may halong pagkabahala. "Kung nag-aalala ka na baka maging pabigat kami, pinapangako ko na gagawin namin lahat ng sasabihin mo. Hindi man halata pero kaya naming makipaglaban." Pangungumbinsi nito.

"Adela, hindi naman sa hindi ako naniniwala sa sinasabi mo pero masyado pang bata ang mga kapatid mo." Except for my disguise right now, I use a spell to make my physical appearance look older. No one would believe a word of a kid, so I have to manipulate my physical body as well. I looked down when I felt someone tugging my clothe. I saw Adela's two sister looking at with a cute pleading eyes.

This is no good.

"Hindi kami magiging pabigat sa 'yo, pangako," sabi ni Sana. 

"Oo nga, sisiguraduhin namin na magiging malaking tulong kami sa 'yo," ani naman ni Azuna. 

I sighed when I look at Adela to ask her to stop her sisters but when I saw her, she had the same pleading eyes like her two sisters. 

Wala na akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga. "Sa ngayon, suotin nyo muna 'to." Binigyan ko sila ng hooded cloak at mask para maitago ang kanilang pagkakakilanlan.

Wala pa akong sapat na lakas at sapat na impormasyon para maligtas lahat ng mga inosenteng nilalang na naririto kaya sa ngayon, mag-iiwan muna ako ng ebidensya na dito ako nagtungo para sa mga taong naghahanap sa 'kin.

Siguro naman may mga mage sa imperyo na kayang mag-detect ng mana na iniwan ko sa lugar kung saan ko ginawang sushi roll yung dalawa kong kapatid. I mean, they're the greatest empire here so I guess people there are also great, right?

We'll see about that, soon.

"Master, saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Azuna. Sinenyasan ko na siya na huwag maingay bago ko sagutin ang tanong nya.

"Aalis na tayo rito. Adela, alam mo ba kung saan ang mas mabilis na daan palabas sa siyudad na 'to?" Tanong ko.

Isang tango ang sinagot sa 'kin ni Adela bago siya pumwesto sa harap para ituro ang daan. Habang naglalakad kami, ramdam ko ang kakaibang tingin sa 'min ng mga tao.

For sure this won't be a safe exit for us. Knowing this place, there would be a hindrance.

Emperor's POV.

Awtomatikong napakuyom ang kamay ko habang hawak ang sulat na mula sa dakilang salamangkero ipinadala ko para hanapin ang anak kong babae.

Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga saka iniabot pabalik kay Meagan ang sulat. 

"Mukhang hindi nagiging maganda ang resulta sa paghahanap sa mahal na prinsesa base sa iyong reaksyon, Emperor." Komento ni Meagan.

Mas lalo akong napabuntong-hininga. "Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Para bang kusang ang anak kong babae ang lulamalayo sa amin." Hinilot ko ang aking noo. "Sinabi ng dakilang salamangkero na kasama sa paghahanap sa anak ko na nakita daw nila ang dalawang prinsipe na walang malay habang nakarolyo sa isang kakaibang tela." Pagkuwento ko.

Gulat na gulat si Meagan. "Paano nangyari 'yon? Saka kakaibang tela? Kung ganon galing iyon sa mahal na prinsesa?" Halata sa kaniya ngayon na marami siyang tanong na gustong masagot.

Tumango ako. "Kinumpirma ng dakilang salamangkero na mukhang may labanang naganap sa lugar na iyon. Maliban sa mana na natira sa paligid mula sa dalawang prinsipe, meron pang isang kakaibang bakas ng mana na naiwan sa lugar na iyon. Ang manang naiwan medyo katulad daw sa mana ng aking mahal na ina."

"Kung ganon mukhang tama nga ang hinuha mo, Emperor. Paniguradong sa mahal na prinsesa nga ang mga naiwang bakas. Kaya lang, nakapagtataka, bakit naman niya lalabanan ang dalawa niyang nakatatandang kapatid?" tanong ni Meagan.

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Iyan din ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Hindi pa maaaring bumalik dito ang aking mga anak lalo na't hindi pa rin nila nakikita ang anak kong babae. Sana lang talaga mapadali na ang paghahanap sa prinsesa dahil ilang araw ng nababahala ang asawa ko."

"Huwag kayong mag-alala, Emperor. Paniguradong hindi hahayaan ng panginoong Darius ang inyong mga anak at nasasakupan," ani Meagan.

Sana nga.

Napagbuntong-hininga na lamang ako at saka minasahe ang aking ulo. Hindi ko na alam ang nangyayari, kaya hindi ako makaisip kaagad ng solusyon. Ang anak nag-iisa kong anak na babae... Nasaan na siya? Bakit sila nahihirapan hanapin ang isang bata?

"Sana walang mangyaring masama sa prinsesa. Nag-aalala ako sa magiging kalagayan n'ya lalo na't delikado ang mundong ito, sobrang delikado. Paano kung may masasamang nilalang siyang makasalamuha?" Nag-aalala kong sabi.

"Kailangan mong maging matapang, Emperor. Lalo na't ikaw na lang ang tanging sandalan ng mahal na Emperatris. Alam mong sa inyong dalawa na siya ang pinakanag-aalala. Lalo na't hindi natin alam kung may kasama ba ang mahal na prinsesa sa paglalakbay n'ya sa mundong ito." Nakatulong ang mga sinabi ni Meagan. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Kapag nakita ako ng aking asawa na ganito, paniguradong mas mag-aalala siya.

"Mas makakabuti kung huwag muna nating ipaalam kay Maebiana ang sulat patungkol sa prinsesa. Hindi maganda ang kalagayan n'ya ngayon, ayokong mas lalo pang lumala ang kalusugan ng aking asawa dahil sa hindi magandang balita na 'to. Kaya sabihan mo ang lahat ng nakakaalam sa nangyari na huwag na huwag magsasalita o magkukwento sa emperatris. Kapag may nabalitaan akong nakarating sa kaniya, ikaw ang mananagot. Naiintindihan mo ba ako, Meagan?" Sa halip na matakot sa aking pagbabanta, nanatiling kalmado ang ekspresyon nito.

Yumuko siya sa harap ko, isang paraan upang ipakita ang kaniyang paggalang "Masusunod, mahal na Emperor. Sisiguraduhin ko na walang makakaalam ng balita."

"Maaari ka ng umalis." Isang beses pa siyang nagbigay galang bago lisanin ang aking opisina. Marahan kong sinandal ang aking likod sa sandalan ng upuan.

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First Imperial PrincessWhere stories live. Discover now