2

42 5 0
                                    

Ilang oras na rin ang nakalipas at hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. Tumitibok pa naman ang puso niya at may pulso pa siya kaya siguradong buhay pa ang isang 'to. 

Obviously. 

Ang nakakapagtaka lang, kakaiba ang paraan ng pananamit niya. Hindi ko 'to napansin no'ng una dahil natatakpan ang damit niya ng kulay gray na hooded cloak pero ngayong tinanggal ko na 'yon para tingnan ang kalagayan niya, napagtanto ko na baka... Baka lang naman, hindi siya nabibilang sa mundong 'to. 

This guy is in a dangerous situation if he does not belong here. 

Iilang paraan lang ang maaaring gawin para ang mga nilalang sa kabilang mundo ay makarating dito sa mundo ng mga ordinaryong tao. Una, kailangan nila ng malakas na kapangyarihan. Pangalawa, may misyon silang dapat gawin sa mundong ito. At ang panghuling dahilan ay mayroon silang basbas ni God para maglabas-pasok sa mundong 'to. 

Alin man sa tatlong dahilan na 'yon, hindi pa rin sila pwedeng magtagal sa mundo ng mga tao. Hanggang tatlong araw lang sila maaaring manatili dito at matapos ang tatlong araw, kailangan na nilang bumalik sa mundo kung saan talaga sila nararapat. Kapag lumagpas sila ng tatlong araw, magiging abo ang katawan nila at ang espiritu nila ay maglalakbay sa kawalan. 

So basically, they will die. 

Sa sitwasyon ko naman at ng dalawa kong kaibigan, simula ng isilang kami ng ina namin, ipinadala na kami kaagad sa mundo ng mga tao. Ang dahilan ay maraming masasamang tao ang gustong pumatay sa 'min dahil sa maraming dahilan. Sa sitwasyon ko, gusto akong patayin dahil ako ang nag-iisang anak na babae ng pinakakinatatakutang emperor sa mundong 'yon. Napakababaw na dahilan pero para sa kanila malaking dahilan na 'yon. Dahil ako nga ang nag-iisang anak na babae, pwede akong gamitin laban sa ama ko. Ang balita ko may dalawa akong nakatatandang kapatid pero hindi nila magalaw ang dalawang 'yon dahil... Ahh... Sabihin na lang natin na katulad ng ama ko sa mundong 'yon, masyado ring malakas 'yong dalawa kong kapatid. 

Masyadong marami ang naghahangad na mamatay ako kaya wala ng nagawa si God kun'di ipadala ako sa mundo ng mga tao at dito palakihin para sa ikabubuti ko. Ang balita ko ilang taon nang nagdamdam 'yong nanay ko ro'n dahil sa hindi man lang niya ako nasilayan, ang swerte no'ng nagpaanak sa kaniya kasi siya lang 'yong nakakita sa kagandahan ko, HAHAHA, biro lang syempre. So 'yon, tapos 'yong ama ko naman galit na galit daw at pinahanap ako. Sa kasamaang palad, wala sa mga tauhan niya ang may kakayahang makapunta sa mundo ng mga tao. 

Not until my grandparents stepped in to save the day. Fortunately, God appeared to them in the form of a white bird in their dreams. God blessed them with a special ability to travel to the human world to guide and teach me everything I needed to know.

"Huh?" Napatingin sa gilid ko nang biglang dakmain ng niligtas ko 'yong braso ko. "The heck is this guy doing?!" Malakas siya pero naalis ko pa rin 'yong kamay niya sa braso ko, ang kaso nga lang namula ang braso ko. Sobrang halata pa dahil sa maputi kong balat. 

"Nasan ako? Buhay pa 'ko?" Napatingin ako sa lalaking nakahiga sa tabi ko nang bigla siyang magsalita. 

"Congratulations! Buhay ka pa!" Bati ko sa kaniya. Biglang nanlaki ang mga mata niya at biglaan siyang umupo at umarong patalikod. "Okay, nagulat ka. Sorry." Nag-peace sign ako. 

"Sino ka?! Nasaan ako?!" Nagpa-panic na siya. Hindi lang 'yon, mukha rin siyang takot na takot. "K-Kaya kitang labanan! H-Huwag na huwag mo kong s-susubukan!" Natigilan ako ng maglabas siya ng patalim, pero sandali lang ang pagkagulat kong iyon nang makita kung anong klaseng patalim ang inibas niya. 

It's a dagger, by the way. It appears to be a Mythril knife, or it is a Mythril knife, I'm not sure, but one thing I'm certain of is that that type of weapon is a low-ranking dagger. It's extremely dangerous for normal beings like humans. The thing is, I'm not considered as a normal being, so I'm confident that whatever he's holding right now will cause me no harm.

First Imperial PrincessWhere stories live. Discover now