4

29 7 0
                                    

"Hoy! Gising! Gumising ka!" Napakunot ang noo ko nang maramdaman ko na may umaalog sa 'kin. 

Sino ba 'tong mga 'to? Natutulog 'yong tao eh! 'Nyeta naman! 

Binuksan ko ang mata ko at nagulantang nang may nakita akong mga sundalo at sa unahan nila ay isang knights.

"A-Ah…" Sh*t! Ba't dito ako dinala ni G? 

"Sino ka bata? Bakit dito ka natutulog?" tanong sa 'kin nung isang knight. Mukhang siya ang may pinakamataas ang katungkulan. "Masyadong delekado ang gubat na 'to, mas mabuti pa kung umalis ka na bago pa---" 

"ROOOOAARRRR!!!" 

Natigilan kaming lahat nang makarinig ng malakas na alulong. I'm pretty sure it's a magical beast. Tiningnan ko 'yong mga knight na nasa likod ko. Gusto kong bumuntong-hininga na may tunog nang makitang halos lahat sa kanila ay mukhang takot. 

Hindi ba na-train ng maayos ang mga knights na 'to? Saka kanino bang mga sundalo at knight 'to? Saang kingdom kaya sila galing? 

"Sir. Rochie! Mabilis na lumalapit sa kinaroroonan natin ang bantay ng kagubatang ito! Ano po ang gagawin natin?" Nag-aalalang sabi ng isang… Is he some kind of tracker or something? His attire is different from that of his peers. "Oh, bakit may bata rito?" Napatingin sa 'kin ang head-knight at biglang nanlaki ang mata nito.

"Bakit nandito ka pa?! 'Di ba sinabi ko sa 'yo na umalis ka na?! Gusto mo ba talaga mamatay ha?!" Galit na sabi niya. Tumalsik pa ang laway nila sa mukha ko. 

Napakababoy naman ng nilalang dito. 

"Bata, masyadong delekado ang lugar na 'to, mas mabuti pa kung magtago ka muna sa likod ko bago pa---" 

"Bakit naman?" Pinutol ko ang sinasabi niya. 

Mukhang naiinis na sa 'kin 'yong head-knight base sa paraan ng pagkakunot ng noo niya. Mukhang napansin din 'yon ng tracker kaya ginabayan niya ako papunta sa likod ng mga knights. 

"Mas ligtas tayo rito," aniya. Nginitian niya 'ko. "Ayos ka lang ba?" tanong niya. 

Tumango ako. "Ano pong pangalan mo?" 

"W-Wala akong pangalan." Napakamot siya sa ulo niya. "Hindi kasi ako binibigyan ng amo kong Marquess ng pangalan. Unfortunately." Bigla akong nagtaka nang marinig ang huling salitang sinabi niya. Alam kong sinadya niyang hinaan ang boses niya pero dahil sa sensitibo at malakas kong pandinig, hindi nakatakas sa 'kin ang huli niyang sinabi. 

Huh… Interesting. 

"Wahhh!" 

"Nandyan na ang halimaw!" 

"Ayusin n'yo ang posisyon n'yo!" 

Napatingin ako sa harap nang marinig ang mga knights na mukhang takot na takot nang makita ang higanteng halimaw sa harap nila. I think it's a fifteen feet tall monster. 

Oh, my gosh! These knights will need all of their luck. If they don't have the fortitude to defeat that monster, they will undoubtedly be consumed alive. 

"B-Bullior!" Napatingin ako sa tracker na nasa tabi ko. Maging siya ay takot na takot nang makita niya ang halimaw. "Hindi nila kakayanin ang halimaw na 'yan! Kailangan tumakbo! Kailangan na nating umalis dito!" Okay… This guy is a complete wuss when it comes to fighting. A great knight will not be afraid of a fifteen-foot Bullior--- wait, Bullior? 

That creature, I believe I've identified... Oh, wait, that's it! It's a creature that resembles a bull, yet it's oddly shaped and unquestionably a class A monster. It's also the guardian of Helion Forest's twin goddesses, according to a book I read.

First Imperial PrincessΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα