8

74 6 1
                                    

"Sino 'yon?"

"Anong nangyayari? May away ba?"

"Teka! Diba si Luwem 'yon?"

Luwem? Are they referring to the person who is assaulting that poor woman?

"Ang babaeng 'to ay nagkakahalaga ng dalawampung ginto. Sapat na 'yon para sa babaeng 'to na sakit lang naman sa ulo," sabi niya habang nirorolyo ang latigong hawak.

"Parang awa mo na huwag mo akong bilhin! Kapag binili mo ko wala nang magpoprotekta sa mga kapatid ko sa loob." Itinuro no'ng babae 'yong bagon na natatalukbungan ng isang lumang tela. "Parang awa mo na! Kailangan ako ng mga kapatid ko." Lumuhod ito sa harap habang tumutulo ang luha sa mga mata niya.

Lumapit ako sa bagon at inalis ang telang nakatakip doon. Nakita ang ilan pang mga inaalipin sa loob ng bagon na 'to sa harap ko. Sobrang payat na nila at mukhang hindi na nakakakain. May mga galos at sugat din sa katawan nila tanda na pinahihirapan sila.

This city is a complete mess. I'm so disgusted that I want to puke.

Humarap ako kay Luwem. "Bibilhin ko na ang babaeng 'to," pinasadahan ko ng tingin ang babaeng nakaluhod sa lupa. Bigla na lang siyang natulala habang umaagos ang luha sa mata niya, "at pati na rin lahat ng nandito sa bagon na 'to."

Hindi makapaniwala ang lalaking si Luwem sa sinabi ko, pero agad rin naman siyang nakabawi sa pagkagulat at nginisian ako.

This one, I'm sure, will push up the price. A real scumbag to the core.

"Iba-iba ang presyo ng mga alipin na 'to pero paniguradong iilan sa kanila ay may mga pakinabang. Kung ako sa 'yo---" I toss to him a bag of gold, jewelry, and gems.

"Sapat na ba 'yan?" tanong ko.

Isang nakakadiring ngiti ang ibinigay nito sa 'kin bago binuksan ang bagon at pinalabas lahat ng alipin.

"Simula ngayon siya na ang magiging amo n'yo. Pagsilbihan niyo siya ng mabuti." Ngingiti-ngiting umalis 'yong Luwem dala ang luma at marumi niyang bagon na pinaandar niya gamit ang kabayo.

Pati 'yong kabayo mukhang ginugutom din.

Napatingin ako sa harap ko at lahat sila nakatingin sa 'kin. Hinihintay kung ano ang sasabihin ko. "Sa ngayon, humanap muna tayo ng lugar kung saan wala masyadong tao. Pag-uusapan natin kung ano ang gagawin ko sa inyo. May alam ba kayong tagong lugar dito?" tanong ko.

Nagtaas ng kamay 'yong isang lalaking sa tingin ko'y nasa edad dalawampu. "M-May malapit na gubat dito. Naalala ko doon kami dumaan bago kami makarating dito."

"Lumapit ka sa 'kin." Nag-aalangan man sa una pero lumapit pa rin siya sa 'kin. Mukha namang takot at kinakabahan 'yong iba. "Yuko." Utos ko nang nasa harapan ko na siya. Ipinatong ko ang kamay ko sa tuktok ng ulo niya.

RECOLLECTION SCOPE, using this ability of mine, I invade his memory. I didn't see his complete memory; only the part about the woodland he's talking about was visible. I used TRACE to get directions to the woodland when I saw it in his mind's eye.

"Magdikit-dikit kayong lahat." Ginawa nila agad ang sinabi ko. Gamit ang teleportation ability ko, mabilis kaming nakarating sa gubat.

Lahat sila nagulat at namangha sa nangyari. Akala ko magbubulungan sila at mawiwirduhan sa 'kin pero kabaliktaran no'n ang nangyari. Nakatitig lang sila sa 'kin na para bang hinihintay ang sasabihin ko.

"Hindi ako mayaman," sabi ko. Nagkatinginan sila at mukhang naguguluhan sa sinabi ko. "Hindi ako mayaman kaya hindi ko kayo pwedeng isama lahat sa paglalakbay na gagawin ko. Simula ngayon, malaya na kayo." Nagkaroon ng pagkabahala sa mukha nila. Alam ko ang tumatakbo sa isip nila ngayon. Karamihan sa kanila ay mga demi-human, at sa bansang 'to, may diskriminasyon na nagaganap sa iba't ibang lahi. Isa ang mga demi-human sa mga hinahamak na lahi kaya naiintindihan ko ang nararamdaman nila ngayon.

First Imperial PrincessWhere stories live. Discover now