5

28 4 0
                                    

Xiona's POV. 

Sa wakas! May narating din akong bayan! Hirap tumira sa gubat Helion, ang daming halimaw! Kaloka! Napalaban pa tuloy ako ng wala sa oras! 

"May apartment kaya rito? O hotel?" Hotel amp, feeling nasa Pinas pa rin? Human world? Human world? "Pwede po magtanong?" Lumapit ako sa isang babae para magtanong. 

"Ano 'yon, hija?" Nakangiti itong humarap sa 'kin. 

"May apartment po ba na malapit dito o lounge po?" magalang kong tanong.

"Ito." Tinuro niya ang establisyimento sa harap namin. "Maswerte ka at mayro'n pang kwarto para tuluyan mo. Kung interesado ka, pwede nating pag-usapan sa loob." Tumango ako bago sumunod sa kaniya sa loob. Iwas hassle na rin saka mukha namang mabait 'yong ale kaya sana lang hindi ako magoyo sa babayaran ko rito dahil madalas na nagogoyo ang mga bagong salta katulad ko. "Ako ang namamahala sa apartment na 'to, pwede mo akong tawaging Helen." Pagpapakilala nito. 

"Xi---" Natigilan ako nang muntik ko na masabi ang pangalan ko sa mundo ng mga tao. Bawal pala! Bawal sabihin 'yong pangalan na binigay sa 'kin ni Mama. "W-Wala po akong pangalan…" 'Yon na lang ang sinabi ko tutal marami rin namang walang pangalan sa mundong 'to.

"Naiintindihan ko," aniya. "Ang bayad sa isang kwarto ay limang pilak pero 'wag kang mag-alala dahil pang isang linggo na 'yon, ang kaso hindi pa kasama ang pagkain na inihahanda namin para sa mga nanunuluyan dito." Limang pilak? Tapos 'di pa kasama 'yong pagkain? Wait, magkano ba limang pilak sa mundo namin? 

Nilabas ko ang pitaka ko at binigyan si aling Helen ng sampung pilak. "Hindi ko pa po sigurado kung hanggang kailan ako dito sa bayan na 'to. Sa ngayon babayaran ko na po 'yong para sa dalawang linggo." 

Nakangiting tumango si aling Helen saka tinawag ang isang bata. "Ito ang anak kong si Heldia, siya ang tumutulong sa 'kin dito kaya kung may katanungan ka pwede mong itanong sa kaniya," ani aling Helen. "Ito ang susi ng kwarto mo, ihahatid ka ni Heldia." Kinuha ko ang susi ng kwarto bago ako sumunod kay Heldia. Kung pagmamasdan, sa tantya ko nasa walong taong gulang palang si Heldia.

"Ito ang magiging kwarto mo," aniya at binuksan ang pinto. Bumungad sa 'kin ang isang kama, dalawang parador, at isa pang pinto sa gilid na sa tingin ko ay ang banyo. "Malapit na magtanghalian, kung gusto mong kumain, bumaba ka lang at pagluluto ka namin ni mama," sabi niya. 

Umiling ako. "Magpapahinga muna ako. Medyo malayo rin ang pinanggalingan ko kaya gusto ko muna matulog." Akala ko magpapaalam na siyang umalis pero nanatili lang siyang nakatayo sa pwesto niya at nakatitig sa 'kin. That's weird, to be honest. "May problema ba?" tanong ko. 

"Nakakagulat lang na sa bata mong 'yan para ka ng matanda kung magsalita," seryoso niyang sabi. "Kung hindi ako nagkakamali nasa lima o anim na taong gulang ka pa lang, tama?" 

What an excellent prediction.

In this world, I'm just a mere six year old kid. I often forget that I'm just a kid here and don't act like one. That could explain why she has a dubious expression on her face.

I'd like to say, 'Don't worry, kiddo, I'm not going to hurt you or anything,' but I'm not permitted to say that since it would make her more suspicious of me.

Nginitian ko siya saka tumango. "Kung natuto ka ba namang mamuhay ng mag-isa sa mundong 'to paniguradong mamumulat ka kaagad sa katotohanan." Bahagyang nanlaki ang mata niya at nag-iwas ng tingin. Sigurado akong iniisip niya ngayon na wala na akong magulang o walang nagpalaki sa 'kin kun'di sarili ko lang.

Half of what I said is true, and the other half is not. I wasn't raised into this world, to be honest. Despite the fact that I traveled and kept myself safe on my own for some reason, I went here with my closest friends.

First Imperial PrincessWhere stories live. Discover now