6

29 5 0
                                    

I've been in this town for two weeks and I'm still here. Wala lang, nagustuhan ko lang 'yong bayan na 'to kasi maraming mababait tapos kilala agad nila ako. 

In just two weeks, I've made a name for myself in this town. 

Since I have a lot of spare time, I look for jobs that are a good fit for me. Even if I'm capable, I'm not allowed to perform heavy labors because I'm a child in their view. Despite my desire to train, I am unable to use my power, and I am concerned that my skills and power are getting rusty. 

To cut a long story short, I became a tutor for middle-class youngsters in this town. Kadalasan mga anak ng mangangalakal. No'ng una ayaw nila kasi isang hamak na batang ulila lang daw ako, ano raw bang alam ko sa pag-aaral? They are unaware, however, that the subjects here are identical to those on Earth. When it comes to numbers, they refer to it as arithmetic and geometry, rather as mathematics. Arithmetic 'yong pinakamadali para sa kanila dito at madalas na itinuro sa mga batang edad apat hanggang sampung taong gulang, ang pinakamahirap naman ay 'yong geometry. 

Ang weird lang kasi diba 'yong arithmetic saka geometry sa mundo natin ay branches lang ng mathematics? May iba pang branches ang math like calculus, statistics and probability, etc. Ang dami! Tapos dito arithmetic tapos geometry lang? Habang ako nagdurusa at iniyakan ng dugo 'yong math na pinag-aaralan lalo na sa senior high at mas malala sa college! 

Basic na lang sa 'kin geometry kasi pinag-aaralan talaga 'yon kapag 'yong degree na kukunin sa college ay BS Archi. Yawa 'yong calculus, may subject kaming ganon bwisit. Dudugo talaga utak mo lalo na kung bobo ka sa math tulad ko. 

Napabuntong-hininga ako. At least ngayon basic arithmetic lang 'yong pagtutuonan ko ng pansin kasi mga bata lang naman tuturuan ko. 

Isa pang problema ko rito ay 'yong papel. Diba sa earth mura lang papel? Depende sa klase pero pang mahirap lang kasi ang binibili ko. Bakit pa magna-National Bookstore kung may school supplies naman sa palengke? 'Yan 'yong laging sinasabi sa 'kin ni mama. Basta piso dalawa bond paper sa Pinas, tapos dito isang pirasong papel, katumbas ng isang pilak?!

No, thank you very much. Because I'm a creative person, I'll just use a different medium. Only the royals and the imperial family had the financial means to purchase large quantities of paper. As a 'kuripot,' I'll have to pass and use my creative talents to come up with another medium to use for my students' education.

"Anong ginagawa mo?" Natapatingin ako sa likod ko nang marinig ang ang boses ni Heldia. 

"Flashcards," I simply answered. 

"Flashcards? Ano 'yon?" Nagtataka akong napalingon kay Heldia. Seriously? Hindi niya alam kung ano 'yong flashcards? 

"Tingnan mo 'to." Pinakita ko sa kaniya ang isang flashcard na gawa sa plywood. Dahil nga mahal ang papel dito, naisipan ko na kahoy na lang ang gamitin ko. "Itong bahagi ng flashcard ay may tanong o 'yong sasagutan, tapos sa likod naman ay 'yong sagot. Ginagamit ko kapag nagsasa-ulo, pwede rin sa pagsasanay kung ano man 'yong pinag-aaralan." Paliwanag ko. "Subukan mong sagutan." Ang nakasulat sa bahaging sasagutan ay 5+9. 

"14," sagot ni Heldia matapos ang dalawang minutong pag-iisip. 

"Tama!" Napangiti siya nang sabihin kong tama ang sagot niya. "Ito naman." Ang nakasulat naman sa flashcard ay 2x4. 

"Hindi ko alam," mabilis niyang sagot. "Ang natutunan ko lang kay mama ay pagdagdag at pagbabawas. Alam kong pagpaparami ang tawag d'yan pero hindi ko na natutuhan 'yan dahil isang hamak na tao lang ako na galing sa mahirap na pamilya." What did she say? Pagparami? Pagbabawas? Bakit tagalog na tagalog 'yong salita ng mga 'to? 

First Imperial PrincessWhere stories live. Discover now