TMG 27: The Call

Magsimula sa umpisa
                                    

At kahit kaibigan ko siya, hindi ko siya magagawang iligtas sa kamay ng babaeng ‘yon ‘pag nagkataon.

“He’s talking about that new kid the whole day since she came back. What’s with that dude?” Bakas ang pagkairita sa boses ni Gael. Nakatingin pa rin ito sa pintuang nilabasan ni Ladd habang nakahalukipkip.

“Bakit ba ang init ng ulo mo kay Vini? H’wag mong sabihin na dahil pa rin ‘yan sa first meeting niyo?” Nilingon niya ako na balot ng inis ang mukha. “Gael, ang tagal na no’n.”

“And where did you get that nickname? Gano’n kayo kaclose?”I just shrugged my shoulders with his questions. “Tss. Walang kinalaman ‘yon. Hindi ko lang talaga siya gusto.”

“Dude, hindi mo naman kasi siya kailangang magustuhan. Hindi ka rin naman gusto nung tao ‘no.”

He frowned, shooting me daggers.

Uh oh. That was supposed to be a joke. Tsk. Bakit ba kasi ang seryoso ng mga taong ito? Ang hirap tuloy mabiro.

Itinaas ko ang magkabilang braso, surrendering. I’ll never win with hot-headed guys.

“Sure, I hate her guts. But there’s more than that that I hate about her but I’m not sure what is it,” seryosong sabi nito habang nakatingin sa kawalan.

Napakamot na lang ako sa ulo. Ang lalim naman no’n.

“Hindi kaya, masyado ka lang nag-iisip ng kung ano tungkol sakanya dahil nga sa hindi mo siya gusto?”

“Are you telling me that all these are just a product of my imagination?” Kunot-noong tanong nito.

Kumibit-balikat naman ako. “Kung gano’n ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko, baka nga gano’n ‘yun. Siguro nga badass siya, but still, Vini is just a normal 19 year old girl.” Pinigilan kong tumaas ang boses ko. I can’t lose my cool in front of this guy, pero malapit na rin akong mainis dahil sa mga sinasabi niya.

“Bakit mo ba siya pinagtatanggol ng ganito, Jin? Kung hindi ko siya gusto, hindi ko siya gusto. Hindi mo ako kailangang bigyan ng mga dahilan para lang magustuhan ko siya.” Marahas itong tumayo at mariin akong tiningnan sa mga mata.

“Hindi ko naman sinasabing kailangan mo siyang magustuhan, Gael.”

“Now, I hate that new kid even more. There’s no way I will like her. Not even in hell. Hindi ko alam kung anong mayroon sa babaeng ‘yon at nagkakaganyan kayong lahat sakanya.” Saka niya ako tinalikuran at nagsimulang maglakad palabas.

“You hate her because you’re jealous, dude.” Napatigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko.

Dahan-dahan itong lumingon sa’kin at kitang-kita ko ang pagkislap ng gulat sa mga mata niya.

“What? Ulit mo nga, Jin,” anitong hindi makapaniwala.

Tumayo ako’t pinantayan ang seryosong titig niya bago malumanay na nagsalita, “You’re jealous. You’re jealous of her, Gael.”

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa’ming dalawa matapos ng sinabi ko, bago ito nagpakawala ng sarkastiko’t mahinang tawa.

“Seriously? Of all reason, Jin.” He paused. Dahan-dahan ring nawala ang ngisi sa labi niya. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Anong nakakaselos sa babaeng ‘yon? Hindi ko siya gusto dahil—“

“Dahil ano, Gael? Sige. Ngayon mo sabihin sa’kin kung bakit nga ba ayaw mo sakanya.” Paghahamon ko.

Kitang-kita ko kung paanong nanguyom ng mariin ang mga kamao nito kasabay ng pagtatagis ng mga panga. Mas lalong tumalim ang tingin nito sa’kin at ramdam ko ang inis niya.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon