She widely beamed at him. "Hi!"

Napangiti rin ito at mataktikang hinalikan siya sa mga labi ng mabilis. "I'll get some food. Wanna come?" Inalay pa nito ang kamay.

Agad siyang kumapit roon at mabilis na tumayo. "Good timing! Nagugutom na rin ako. Too much love in the air made me hungry!"

Magkahawak kamay silang lumapit sa buffet table. Wala na silang masyadong pakialam kung pinagtitinginan man ang magkahugpong nilang mga kamay. Kapag may lumapit at nagtanong kung sila na ba ulit ni Gideon ay hindi nila itatanggi.

"Kumusta na pala ang application mo sa mga art school sa London? Nakatanggap ka na ba ng kahit anong response mula sa kanila?" tanong nito nang magkasabay na silang kumakain.

She pouted her lips. "Parang ayoko na tumuloy sa London. Mami-miss kita ng sobra doon kung matanggap ako."

He looked at her. "Haley, napag-usapan na natin 'to. Tutuloy ka doon. Six months isn't that long."

"That's half a year!"

"You could live, Haley."

Inabot niya ang kamay nito. "Bakit ba gusto mo 'kong umalis?"

"Dahil alam kong mas makakadagdag sa kaalaman mo ang pag-aaral sa isang prestigious art school. And you're still young. Gawin mo ang lahat ng gusto mo nang gawin ngayon."

"You sound like my father," nakasimangot na turan niya.

"Well, you have an 'old' man for a boyfriend, little missy."

Nagkatawanan sila at pinagpatuloy nila ang pag-uusap tungkol sa plano niya ngang pag-aaral ng anim na buwan sa London. Gideon was obviously persuading her to go. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano dahil sa pagiging supportive nito.

Ngunit sa isang banda, gustung-gusto niya sanang tanungin kung wala ba itong plano na pakasalan na lang siya para maging mag-asawa na sila? Dahil mas gusto niya ang ganoong idea.

But then, again, she doesn't need to rush. She's praying that Gideon would pop out the question very soon.

She really wanted to be Mrs. Gideon Napoleon. Iyon ang pangarap niya ngayon.

***

"YOUNG and in love. How foolish can one get?"

Napakunot si Haley at napalingon nang marinig ang isang pamilyar na boses. Napataas ang kilay niya nang makita si Ibarra o 'Bari'-the eldest cousin of the Andersons. Nakatayo ito sa bungad ng ladies' room.

Bari was standing tall with dominance and confidence. Parang wala itong pakialam kung may makakita man dito na halos nasa loob ng pambabaeng banyo. His arms crossed against his chest as he was looking intently at her.

"Anong ginagawa mo rito? You shouldn't be here," she said, avoideing herself to stammer.

Hindi alam ni Haley kung bakit siya napaatras at tila ayaw lumapit rito. Jeez! He's obviously intimidating her. His presence filled the whole room without effort.

"Kayo na ulit ni Gideon, hindi ba?" tanong nito na binalewala lang ang sinabi niya kanina. "Kanina sa kasalan, tanga na lang ang hindi makakahalata sa mga sulyapan ninyo."

"So?" mataray na tanong niya. Sa lahat ng magpipinsan na Anderson, this Ibarra was the least she liked.

He shrugged. "You're too young for Gideon." He eyes her form head to toe. "But you're a young woman who has a body and beauty to kill for. No doubt that Gideon was really into you, too. Mahal mo ba siya?"

Napakunot-noo siya sa biglaang tanong nito. "Of course! Siguro naman ay alam mo na ang history naming dalawa. We wouldn't have a second chance to be together if there's no love between us," matapat niyang sabi.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRWhere stories live. Discover now