Chapter VII

114 7 3
                                    

Autumn

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sila ang may-ari ng school namin.

Magsisimula na ang laro at kami nga ang first game. Akala ko aalis na kanina sila Damon pagkatapos ng opening ceremony pero hindi naman. Ang sabi pa ng iba, papanuorin daw nila ang game ng school.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. Namamawis na rin ang mga kamay ko.

"Hoy! Ayos ka lang?" Tanong ni Gayle nang mahalatang balisa ako.

I shook my head. "Kinakabahan ako." Pag-amin ko.

Kumunot ang noo niya. "Ba't ka kakabahan?"

"Di ko rin alam." Sabi ko at pasimpleng tumingin sa kinaruruonan nila Damon.

Sinunod naman ni Gayle ang ginawa ko.

"Ah kaya naman pala." Aniya na parang na gets na agad ang dahilan.

"Alam mo, 'wag kang kabahan. Dapat nga magpakitang gilas ka. Dapat sa'yo lang ang atensyon niya. Ang dami pa namang umaaligid." Suhestiyon niya sabay nguso sa mga teachers at students na halatang nagpapapansin kay Damon.

I pouted and looked at him. Sakto namang nakatingin siya sa akin.

He creased his forehead and mouthed 'why?' pero umiling lang ako bilang sagot.

Inalis ko na ang tingin sa kanya nang magsimula ng magsalita ang announcer.

Tinawag na kami isa-isa sa gitna ng court at nang ako na ang tinawag, pasimple kong tinignan si Damon na nakatitig naman sa'kin habang may maliit na ngiti sa labi.

'Good luck' he even mouthed.

Napangiti ako at parang nabuhayan din ng loob.

I tried doing my best during the whole match at hindi naman ako nabigo dahil nanalo kami.

Nag-aayos kami ng mga gamit when Gio and his friends approached us.

"Congrats." He said with a smile.

I smiled too. "Thank you."

"Let's eat together. My treat." Aya niya. I looked at Gayle and she just shrugged.

I looked at Damon's direction too but he's nowhere to be found.

Where is he? He already left?

I pouted and was about to answer Gio when my phone beeped signaling I got a message.

I looked at it and saw Damon's name.

Damon: Congratulations love
                You did great
                Let's have lunch together
                I'll wait for you at the parking

"Excuse me." I said saka hinatak si Gayle palayo kaunti sa kanila.

"Why? Anong meron?" She asked confused.

"Damon texted. We're going to have lunch daw. He's waiting for me at the parking." I explained.

"Oh? Then tell Gio na may lakad ka." She said. "But I'll go with you ha. Wala akong kasama." Dagdag pa niya.

"Okay, I'll tell Damon." I said before texting him.

Autumn: Is it okay if Gayle will join us?

Just few seconds upon sending the message, nag-reply siya agad.

Damon: Yeah, Sean's coming with us too

"Anong sabi?" Gayle asked curiously.

I looked at her and hesitated if I'm going to tell her or not dahil paniguradong maiinis lang naman 'to.

Married To A Mysterious Billionaire At 18Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu