Chapter I

197 16 0
                                    

Autumn

Tahimik lang kami habang nasa biyahe patungo sa bahay ni Mr. Finley.

I don't know but I can't find myself calling him my husband yet. It feels weird especially that I've never seen him.

"Atty. Reyes?" I tried to call the lawyer's attention na ngayon ay nasa passenger seat.

He turned to look at me. "Yes Mrs. Finley?"

I almost grimace with what he just called me but thank god I've stopped myself from doing so.

I gave him a small smile. "Where is Mr. Finley?" I asked.

"You mean your husband?" He asked back. I just nodded.

"He's out of the country that's why he didn't attend your wedding and just sent me instead." He answered.

Again, I just nodded and stayed silent na after.

I looked outside and sighed.

How will I tell my friend about this? Paniguradong magugulat 'yon tapos kung ano-ano na namang sasabihin. Baka pagalitan pa nga ako.

"We're here ma'am."

Nagising ang diwa ko nang marinig ang sinabi ni attorney.

Bumukas ang napakalaking gate and I was in awe when I saw the house we're entering.

This is not a house. It's a mall!

This is the first time I'm seeing a house as big as this. Hindi naman maliliit 'yong mga bahay sa village kung saan kami nakatira but this? It's different. Yong whole village where we live, is the size of this mansion or maybe a little bigger pa. I'm curious on how many maids they have.

Nagsimula na akong kabahan nang makapagpark kami sa napakalawak na garage. I think it has more than 20 cars in here.

Gaano ba sila kayaman?

Andaming sumalubong sa'min na mga katiwala kaya mas lalo akong nahiyang lumabas.

Ayoko ring pumasok ng bahay. Oo nga at nasa ibang bansa daw siya ngayon pero panigurado naman akong nandito ang pamilya niya.

Paano ko sila haharapin? Lalo na 'yong parents niya.

Nagulat ako nang biglang bumukas 'yong pintuan kung nasaan ako nakaupo.

"Good morning ma'am." Bati no'ng mga katiwala at bahagyang yumuko.

Ngumiti ako ng tipid. "Good morning po." I greeted back.

Wala akong choice kundi lumabas na lang at nang akmang kukunin ko na ang mga gamit ko, pinigilan nila ako.

"Kami na po." Sabi no'ng isa.

"Sunod na lang po kayo sa'kin ma'am." The other one said then guided me towards the house.

While walking to an unending pathway, hindi na ako nakatiis at nagtanong na.

"Can I ask something po?" I said na nagpatigil sa kanya sandali.

"Opo ma'am. Ano po 'yon?" She asked then we continued walking again.

"The house is so big. Ilan po kayong lahat na katiwala dito?"

"Kami pong mga maids ma'am is 200 maliban pa po sa guards, drivers, chefs at mga hardenero. Bale mga 350 po kami lahat." Sagot niya na ikinaawang ng bibig ko. What the heck! Ilan kaya napapasahod nila sa isang buwan?

"Grabe naman ang dami niyo po pala. Kung sabagay, ang lawak naman kasi ng bahay na 'to." Sabi ko.

Tumawa siya. "Oo nga po. Hindi ko rin po maintindihan kung bakit ganito kalaki ang pinatayo nilang bahay kung iisang tao lang naman ang maninirahan."

Married To A Mysterious Billionaire At 18Where stories live. Discover now