Chapter VIII

99 6 2
                                    

Autumn

I was so shy to get out after nila akong maayusan dahil alam kong naghihintay na do'n sa may sala si Damon.

I was looking at myself in the mirror when someone knocked on my door.

"Ma'am labas na daw po kayo sabi ni sir." One of the stylists said.

Pinalabas ko kasi ang mga ito kanina at sinabing may gagawin pa ako. But the truth is, wala naman talaga. Ayaw ko lang munang lumabas. At mukhang nainip na nga ang mga ito dahil ilang minuto na ako sa loob.

"Okay." I said and took a deep breath before going out.

Mabilis na tumayo si Damon nang makita ako saka nakangiting lumapit sa'kin.

"You look gorgeous." Puri niya.

"Thank you." Nahihiyang sagot ko.

"Mauna na po kami." Ani ng mga stylists dahilan para mas lalo akong mahiya.

Tumango lang naman si Damon habang nakatitig pa rin sa'kin.

"Why?" Nagtatakang tanong ko nang makaalis na ang mga kasama namin kanina.

"Do we really need to go?"

Kumunot ang noo ko sa narinig. "Oo, bakit may problema ba?"

"No, I just don't want others to see you. You're too gorgeous. Gusto ko ako lang nakakakita sa'yo." Sagot naman niya.

Napasimangot ako saka siya sinuntok ng mahina. "Ewan ko sa'yo."

He chuckled. "Why? It's true."

Hindi na lang ako sumagot at inayos ang tie niya saka siya inaya paalis.

"Let's go. Baka kanina pa nagsimula ang party."

He nodded and offered his hand to me. Mabilis ko namang kinawit ang braso doon.

Pana'y lang ang kwentuhan namin sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa venue.

Nauna akong lumabas at sumunod naman siya agad.

We walked towards the entrance at bumungad sa'min ang napakaraming tao na dumalo sa kaarawan ni ate.

"Mr. Finley. It's nice to see you here." May sumalubong sa kanyang isang matandang lalake. Nakangiti pa ito habang nakatingin sa'min ni Damon.

"Likewise Mr. San Diego." He said with a smile too.

"By the way, this is Autumn, my wife." Pakilala niya sa'kin. Bahagya pa akong nagulat sa sinabi niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasasanay na tawagin niyang asawa.

"Oh what a lovely lady. Nice meeting you hija." He said and extended his hand at me. He seems to be a nice man.

I shook his hand and smiled at him. "Nice meeting you too sir."

"Not the sir, tito na lang." Aniya.

Ngumiti ako. "Okay po, tito."

"Nga pala, pwede bang hiramin muna si Mr. Finley. May pag-uusapan lang kami." Nahihiyang tanong nito.

I nodded. "Sure po."

Damon looked at me as if asking if it's really okay.

Tumango-tango naman ako. "Sige na. Kailangan ko din kasi puntahan si ate para batiin." I assured.

"Okay, just call me if something happens." He reminded.

I nodded and gave him a teasing smile. "Opo."

Matiim siyang tumitig sa'kin as if saying it's not funny.

I immediately stopped smiling saka tumingkayad at bigyan siya ng mabilisang halik sa pisngi.

Married To A Mysterious Billionaire At 18On viuen les histories. Descobreix ara