Chapter IV

141 13 1
                                    

Autumn

"May giyera ba?"

Natawa ako sa reaksyon ni Gayle nang madatnan namin siya sa mall.

"Ba't ang dami mong bodyguards?" Tanong niya matapos iangkla ang braso sa'kin.

"Damon's idea." Tipid kong sagot. Ayoko nga kanina pero wala naman akong magawa kasi sumunod sila lahat sa'kin.

"Sana all may overprotective husband." Pang-aasar niya.

I rolled my eyes and dragged her. "Ang dami mo talagang nalalaman, ano?"

Tumawa lang naman siya.

Pinagtitinginan na kami habang naglalakad. Para naman tuloy kaming mga artista.

"I feel like a celebrity." Gayle suddenly voice out my thoughts making me laugh.

We entered one of the stores. She's looking for a dress. May party daw kasi silang pupuntahan mamayang gabi.

"Bagay ba?" She asked me nang maisuot niya 'yong black dress.

It's a simple above the knee dress but it looks elegant on her. Bagay talaga kahit ano sa kanya.

I gave her a thumbs up. "Sobrang bagay."

"Okay. I'll buy this." Sabi niya at pumasok na muli sa fitting room para magbihis.

"Let's go." Aniya pagkalabas.

We entered another stores. She's choosing bags, clothes and stiletto.

"Hindi ka ba bibili?" Tanong niya.

Umiling naman ako.

"C'mon, ililibre na kita. Pumili ka na lang kung anong gusto mo." She insisted.

Nang hindi ako kumuha, siya na ang gumawa para sa'kin.

Ang dami niyang damit na kinukuha pati bags kaya naman binalik ko na 'yong iba.

Kukuha sana siya ng stiletto pero mabilis kong pinigilan.

"Rubber shoes na lang ako." Sabi ko at naglakad na patungo sa kinalalagyan ng mga rubber shoes.

Umiling na sumunod siya sa'kin. "Wala ka talagang sense of fashion na babae ka." Reklamo na naman niya. 'Yan ang palagi niyang sinasabi kapag lumalabas kami at namimili ng mga gamit.

"This bag is so cute. Bili tayo tig-isa para matchy-matchy, gano'n." Daldal niya at hindi pa man ako nakakasagot, nagpakuha na siya ng stocks sa sales lady.

"Eto rin, gusto ko." Sabi na naman niya sa isang damit at nagpakuha na naman ng stocks for the two of us.

Napailing na lang ako. Ang dami niyang binibili.

Pagkadating namin sa counter, hinila niya 'yong cart ko pero mabilis ko namang pinigilan.

"I can handle." Sabi ko.

She raised her brows. "Are you sure?"

I nodded while smiling. "Yup."

"Okay." Nauna na siyang magbayad. Iba talaga kapag nag-iisang anak tapos mahal na mahal, nabibili lahat ng gusto.

When it's my turn, kinuha ko na 'yong wallet sa bag ko. I'm planning na 'wag gamitin 'yong black card ni Damon at 'yong savings ko na lang, ang kaso kulang din.

Hindi ako nainform na ganito pala kamahal mga bilihin dito. I didn't check the price tags na kasi kanina. But the brand itself says it all naman na mga mamahalin talaga.

"Php 50,634.25 po lahat ma'am." Sabi no'ng cashier. Hindi naman sana gano'n kadami 'yong binili ko. Ilang pirasong damit lang tsaka bag at sapatos pero 'yong total price, dinaig pa sahod ni daddy monthly.

Married To A Mysterious Billionaire At 18Where stories live. Discover now