Chapter II

146 11 3
                                    

Autumn

Pagkagising ko kinaumagahan, nag-ayos na ako papuntang school.

When I'm finished, bumaba na ako para mag-agahan.

Napatigil ako sa paglalakad papuntang dining nang makita kong may nakaupo doon na lalake.

Could this be Damon?

Dahan-dahan akong naglakad at umupo kaharap niya.

Inangat no'ng lalake sandali ang tingin sa'kin bago binalik muli sa kinakain.

This is not what I imagined he would look like based on his voice.

He's not that ugly naman but I think he looks so mature for his age. He's 26 but he looks like in his thirties.

Hindi siya nagsasalita kaya tumahimik na lang din ako at kumain.

Mabilis akong natapos at nagulat ako nang sabay kaming tumayo.

"Let's go." Aniya sa driver na naghihintay sa'kin. I know kuya Fred will be my driver kasi sinabi 'yon ni ate Matilda kahapon.

"Excuse me, sasabay ka ba?" Hindi na ako nakatiis at tinanong na siya habang naglalakad kami palabas ng bahay.

Tumigil siya at nilingon ako saka tinaasan ng kilay. Grabe naman, parang hindi naman siya ganito kayabang kagabi.

"Yes. Any problem?"

Umiling ako. "Naku wala." I tried to smile at him to assure him.

"By the way I'm Steve." Pagpapakilala niya.

Kumunot ang noo ko. "Steve?" Pero di ba Damon pangalan niya.

"Yes Steve. Mr. Finley's secretary." Sagot niya.

"Secretary?" Medyo napalakas yata ang boses ko dahil kumunot pa ang noo nito.

Humingi na ako ng paumanhin agad. "Oh sorry. I just thought..."

"You thought what?" Usisa niya.

Umiling ako. "Wala po. By the way, where's Mr. Finley?" I asked him.

"He went out early." Tipid niyang sagot.

Tumango-tango na lang ako. Buti na lang at dumating na 'yong sasakyan namin.

Sobrang awkward sa loob ng sasakyan na halos hindi na ako huminga. Para kasing kapag nagsalita ako babasagin na naman no'ng si Steve.

Mabuti na lamang at nakarating na kami sa school kaya binilisan ko na ring bumaba.

"Bago niyong sasakyan? Ang gara ah." Nagulat ako nang biglang umakbay sa'kin si Gayle at sinabayan ako sa paglalakad.

"Hindi." Sagot ko.

"Ha? Eh kanino?" Nagtatakang tanong niya. "Ikaw ha. May boyfriend ka na ba?" Pang-aasar niya.

"Wala. Pero may sasabihin ako sa'yo. But please promise me na hindi mo ipagkakalat." I said.

Sumimangot siya. "Kailan ko ba pinagkalat mga sikreto mo?" Aniya. "Pero sa totoo lang, nacucurious na ako sa ikukwento mo."

Napailing ako saka siya inaya sa park ng campus. Maaga pa naman at mamaya pa magi-start 'yong klase.

We both sat down on the garden set then I started telling her what happened yesterday. I didn't skip any information at sinabi ko lahat sa kanya. She's my most trusted person kaya alam kong ikikeep niya 'tong sikreto ko.

"I can't believe they did that to you. Sana no'ng pinilit ka nila, naglayas ka na lang at pumunta ng bahay." She suggested.

Umiling ako. "Nakakahiya kaya."

Married To A Mysterious Billionaire At 18Where stories live. Discover now