I nodded slowly. Kaya pala halos magkasunuran lang kaming nakarating sa bahay. Ilang minuto lang din ang pagitan.

At oo nga pala, partner niya si Yzabel sa thesis. Napahinga na lang ako ng malalim. Nagseselos ako potek. Hmp!

"About sa sinabi kanina ni Gia." literal na napapitlag ako sa gulat ng bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan para mapatigil kami sa paglalakad. "Yung about kay Yzabel." she paused and chuckled. "Hindi ko siya nililigawan o ano. We're just friends Sela."

Napalunok ako. Ee bakit niya ba sinasabi sa'kin? "At tapos?" parang tangang sagot ko. "I mean, bakit mo sinasabi sa'kin 'yan?" dagdag ko pa.

Kunware ka pa Sela na walang pakialam, ee yun nga dahilan kung bakit ka bad mood at mainit ang ulo sa kanya. Tss.

"You're jealous." that's not a question, a statement instead.

Tinaasan ko siya ng kilay. "At sino ka naman diyan para sabihing nagseselos ako?" I crossed my arms over my chest. "Bakit  naman ako magseselos aber? You're not my type dumbass." inis na sagot ko.

Oo naiinis ako. Naiinis ako sa katotohanang tama siya na nagseselos ako.

But she just laughed at me. Mabilis na napahakbang  naman ako paurong ng bahagya siyang lumapit sa'kin. At sa mga oras na 'to, grabe din kalakas ang tibok ng puso ko. Na para bang anytime, maririnig na niya.

"Belle told me." she said, smiling widely. "Sinabi niya na nag-aaburido ka daw kasi nagseselos ka kay Yzabel." then she chuckled.

Napamaang ako. Ang bruhang 'yun, nilaglag ako. Argh! Humanda siya sa'kin bukas. Lintek lang talaga ang walang ganti.  Nakakainis.

"So Sela." at ayan na nga, nagsisimula na naman siya. "Bakit ka naman magseselos kay Yzabel kung hindi mo 'ko type?"

I gulped hard. Teka lang, bakit ba napaka prangka niyang tao? Bahagya lang bumuka ang labi ko para lang isara ulit. Mabibigat din ang paghinga na nagawa ko ng mas ilapit niya pa ang mukha sa mukha ko.

Mama! Help me!

"It's fine Sela, hindi mo naman kailangan sagutin." she paused intentionally.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng lumayo na siya sa'kin. Napansin ko lang sa babaeng 'to, ang hilig niyang lumapit sa'kin ng ganon.

"Wala ka namang dapat ikapag-selos kay Yzabel." she put her hands in the pocket of her pants and smiled at me. "She's not my type."

I looked away and breathe hardly, trying to calm myself. "Hindi ako nagseselos Abelaine." tanggi ko pa. "Niloloko ka lang nun ni Belle."

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at nagsimula na ulit akong maglakad. Hindi din naman nagtagal at sumunod na din siya agad.

Under The Shade (SeBy) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora