"Sela's right." Sheki agreed. "Konting lakad na nga lang natin nasa canteen na tayo ee."

Pero ang babaeng ito, hindi man lang kami nagawang pakinggan bagkus nagsimula na siyang maglakad. Napailing na lang at napabuntong hininga. Ang hirap talaga basahin minsan ni Lara. Sala sa lamig, sala sa init.

"Buti na lang hindi ko pa nakakalimutang kaibigan ko siya." Ate Alice said, thennshe shooked her head in disbelief. "Tara na nga."

Hindi na din naman kami umangal pa at sumunod na lang kami doon sa dalawa. Pero kahit ganon, hindi ko parin maiwasang hindi magtaka. Nakakapagtaka  naman kasi talaga. Para bang may ayaw siyang makita o iniiwasan.

"Oy Sela" natuon naman ang pansin ko kay Shekinah ng ipulupot niya ang kamay niya sa braso ko. "Nakasalubong ko pala si Abby kahapon, ang daming dalang gamit." she said. "Mukhang busy nga ang mga lukaret sa thesis nila."

Tahimik lang akong nakikinig. Kunware walang pakialam pero deep inside, natutuwa.

Mahigit dalawang linggo na din kasi ang lumipas mula ng hindi na kami magka-usap ng babaeng 'yun. Natapos na din ang renovation ng canteen sa Department nila kaya hindi na namin sila nakakasama. At dalawang linggo na din ang lumipas mula ng puntahan ko siya sa bahay nila na hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba.

Hanggang ngayon kasi, hindi ko parin alam kung saan ba ko nakakuha ng lakas ng loob para gawin ang bagay na 'yun. Nakakahiya lang. Kung pwede nga lang hilingin na sana bumuka ang lupa at kainin ako, hiniling ko na.

Dumating pa nga ako sa point na sana hindi muna magtagpo ang landas naming dalawa kasi hindi ko alam kung paano siya haharapin. At mukhang tinupad nga ng maykapal ang aking hiling. Ni magkita o magkasalubong kami ng babaeng 'yun, hindi nangyari. Hindi ko na din siya nadadatnan sa waiting shed o ang makita siyang mapadaan do'n, hindi na nangyayari.

"Ano naman sabi sayo ni Abby?" Belle asked her. "Ako kasi bihira ko na lang siya makita, pati din si Gia." she added and put her arms in my shoulder. "Nagpapakadalubhasa ang mga bruha." natatawang dagdag pa niya.

Napailing na lang ako. Ayaw ko man, pero hiniling ko na sana ako na lang si Sheki. Tss.

"Wala namang sinabi mars, ngumiti lang sa'kin." Shekinah replied.

"Wait, speaking of, si Abby 'yun oh."

Kahit ayaw ko, wala akong nagawa kundi ang lumingon sa tinuro ni Belle. At sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang dalawang linggo, nakita ko ulit siya. Nakita ko ulit ang matatamis na ngiti niya. Kasama niya si Gia do'n at, wait, si Yzabel?

"Alice! Mauna na kayo ni Lang sa canteen, susunod kami." rinig ko pang sigaw nitong si Sheki kay Ate Alice.

Para lang akong tanga dito na nagpatianod ng hilahin nila ko papunta sa pwesto nila. Gusto ko mang umangal, hindi ko magawa. Napako lang ang tingin ko sa isang babaeng masayang tumatawa kasama ang mga kaibigan.

"Hoy mga bakla!" Sheki greeted them.

Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko ng ako ang una niyang tingnan. Tipid na ngiti lang ang binigay ko saka nagbaling ng tingin kay Gia na nakangiti din pala sa'kin ngayon.

Under The Shade (SeBy) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz