Kabanata Dalawampu't Lima

Începe de la început
                                    

“Mas higit na matatanggap ko pa ang buhusan ako kahit na isang dosenang pineapple juice kesa ipahiya niyo ako gamit ang mga salita tungkol sa pagkatao ko.” huminga muna ako ng malalim, kailangan ko ng lakas ng loob para masabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin.

“Buti pa kayo nalaman niyo kung anong uri ng babae ang nanay ko, samantalang ako, hindi ko naisip magpaimbestiga, salamat sa impormasyon…” lumakad na ako, pero naisipan kong bumalik dahil may nakalimutan pa akong sabihin.

“About naman po kay Venn Ma’am, wag ako ang pagbawalan niyo, siya ang pigilan niyong lumapit sa akin, hindi ako nababagay sa kanya, dahil anak lang ako ng isang P*ta …”tumalikod na ako ng tuluyan at dire-diretso lang ako ng lakad, alam kong lahat ng mata ay nakatingin sa akin, napahiya na ako ng sobra kanina, ayaw ko ng dagdagan ng isa pa.

Hindi ko alam kung paano ako nakapagdrive ng sasakyan sa kabila ng ganito ang pakiramdam ko, nang nanlalabo na ang paningin ko ay naghanap ako ng pwedeng paghintuan ng sasakyan ko.

At umiyak lang ako ng umiyak, hindi ko lang maipakita kanina pero sobra akong nasasaktan. Bakit hindi ko alam na isa palang bayaran ang nanay ko, at bakit hindi ko man lang naisip na magpaimbestiga nang sa ganun ay hindi ganito kasakit. Ang sakit kasi nalaman ko pa sa iba, at doon pa sa ina ng boyfriend ko.

Hindi ko inakalang magiging hadlang yong pinagmulan ko para sa relasyon namin ni Venn, at hindi ko rin inakala na malalaman niya kung anong nangyari sa amin ni Venn sa unang gabi ng aming pagkikita.

Paano nang gagawin ko?

Hindi ko kayang mawala sa akin si Venn,

Gaano ba ako kamahal ni Venn, mahal niya ba ako ng higit pa sa pagmamahal niya sa mama niya?

Ang dami kong tanong sa isip ko, habang umiiyak ako ngayon.

Paano na ang relasyon naming dalawa?

Sinabi ko na kay Mommy na nagpropose na sa akin si Venn, paano na kapag nalaman ni Mommy na hindi na tuloy yong kasal namin?

Anong sasabihin kong dahilan?

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum