Chapter 51

24.4K 730 153
                                    

"Matagal ka pa bang matapos, 'nak?"

Napasimangot siya saka sumubo muli ng pagkain kahit na marami na sa kanyang bibig.

Pagkatapos niyang nguyain ay nilunok niya iyon.

"Pwede niyo naman akong iwan, eh. Tutal sanay naman ako 'dun." Nagtatampong saad niya habang ngumunguya ng mochi.

"Hugot 'yarn? Pero sige, iwan ka namin. May date pa kami at ang tagal mong matapos." Sabi ng Papa niya at hinila na ang Mama niya paalis.

Napasimangot na lang siya at patuloy sa pagkain. Tumawag siya ng waiter para mag-order ulit. Nang dumating ang order niya ay kumain ulit siya.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagkain ay may biglang umupo sa harap niya.

"Can I join, sugarplum?"

Hindi niya pinansin iyon at nagpatuloy sa pagkain. Narinig niyang nag-order si Dence. Siya tahimik lang, umaastang wala ang binata sa harap niya at patuloy sa pagkain.

Nang dumating ang order nito ay sinabayan siya nito sa pagkain.

"I haven't ate properly for the past three months." Narinig niyang sabi ng binata bago sumubo.

Deadma.

Pero pasimple siyang sumilip rito habang kumuha ito ng pagkain. Agad rin siyang umiwas ng tingin kasi tuwing ngumunguya ito ay nakatitig lang sa kanya.

Nakakainis! Kung siya pakiramdam niya tumaba siya, si Dence nabawasa ng timbang. Macho pa naman pero halatang napabayaan ang sarili.

Ano bang nangyari dito? Mukhang walang tulog at saktong pagkain. Sino na bang nag-aalaga nito at napakabobo naman? 'Nung siya pa ang nag-alaga nito ay binilhan niya ito ng burger, milktea tsaka fries. May fruits pa!

Hindi na lang siya nagsalita hanggang sa natapos siyang kumain. Nais pa naman sana niyang umorder ulit pero nakakahiya naman, baka sabihin nitong matakaw siya.

Nagmamadali ring tinapos ng binata ang pagkain ng makita nitong tapos na siya.

When she burped, that's whe. she felt satisfied but began to feel nervous when she realized one thing...

Wala siyang pambayad.

Kasi iniwan siya ng nanlilibre sa kanya at hindi sila nagbayad una.

A-anong gagawin niya?

"Are you okay, sugarplum? What's wrong?" Nag-aalalang tanong ng binata at hinawakan ang kamay niyang nasa mesa.

Agad niyang binawi iyon at nagpalinga-linga sa paligid. Nakita niya ang ibang pagtitig sa kanya ng waiter. Mukhang nahalatang wala siyang pambayad!

"Kenz, tell me what's wrong.." Masuyong saad ng binata.

Umiling siya.

Pwede naman sigurong sabihin niya na kukunin niya sa bahay ang card niya tapos babalik lang siya? Kahit doblehin pa niya ang pagbayad.

Pero alam niyang hindi papayag ang may-ari. Tiyak na ipapakulong siya.

Napatingin siya sa binatang nag-aalalang tumingin sa kanya.

"Wala akong pambayad..." Mahinang bulong niya na siya lang ang nakakarinig.

"I can't hear you." Sabi ng binata.

"Wala ko pera." Bulong niya ulit pero mukhang hindi na naman narinig siya ng binata.

"I really can't---"

"Ang sabi ko wala akong pambayad!" Sigaw niya.

Agad na nagsilingunan ang mga tao na kumakain, pati na ang waiter at mismo ang may-ari ay sumilip mula sa opisina nito.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Pati na rin ang kanyang mata.

Naiiyak siya sa hiya.

"Fuck, sorry.."

Nagmamadaling lumapit sa kanya ang binata at niyakap siya. Nakaupo pa rin siya habang nakabaon ang ulo niya sa matigas na tiyan nito at doon humikbi.

Nakakahiya!

"May problema ba, Sir?" Narinig niyang tanong ng isang waitress na lumapit siguro.

"There's no problem. I'll pay for the korean restaurant." Sabi ng binata.

Agad niyang kinurot ito.

"Just for the bills!" Asik niya.

Dence sighed.

"Okay, I'll pay the bills...for everyone here."

Napasinghap ang mga tao sa gulat pero agad ring nagpasalamat.

Binaon na lang niya ang ulo sa abs nito sa hiya.

Pero ang totoo, nag-tsa-chansing siya. Hehe. Parang gusto niyang tikman ang pandesal nito pero galit pa rin siya.

Siguro sa susunod na araw?













"SALAMAT sa pagbayad kanina. Huwag kang mag-alala babayaran kita." Nakasimangot na pasalamat niya ng inuwi siya ng binata sa mansion ng nga Phantom.

Lumabas pa talaga ito ng kotse kanina para pagbuksan siya.

"You don't need to. It's my pleasure to pay for our date."

Agad na umusok ang pisngi niya.

"Hindi 'yun date! Assuming mo." Anas niya rito.

Ngumisi lang ito at binalewala ang sinabi niya.

"I don't care if I have to pay for anyone's bills just for you to eat with me." Nakangiting saad ng binata.

Shabu ka, pre? Ang high mo. 'Di kita mareach grabe.

Inirapan lang niya ang binata.

"Umalis ka na nga! Matulog ka, mukha ka ng panda. Sino bang nag-alaga sa 'yo at mukhang napabayaan ka?" Galit at astang wala siyang pakealam.

Maliit lang na ngumiti ang binata.

"Tinaguan ako ng tagapagpangalaga ko, eh." He said. Obviously pertaining to her.

Napaingos siya.

"Ano ka brilyante?"

Inirapan niya ulit ito.

"I miss you, sugarplum."

"I miss---ulol, pakyu ka with feelings. Tingin mo sa 'kin marupok?"

Napailing na lang si Dence at humakbang papalapit sa kanya.

Sa gulat niya ay hindi niya inaasahan ang paghalik nito sa kanyang noo.

"H-hoi..." Nautap na saway niya rito.

"Just want to kiss you for me to have a sweet dreams." Sabi nito.

"Baka bangungutin ako sa halik mo." Ingos niya.

Tinitigan siya ng binata. Parang...parang 'nung dati lang. Nakakatupok ng galit ang titig niya pero hindi. Hindi siya marupok.

Actually bumili siya kanina ng chastity belt para kung matunaw ang galit niya, may isa pang harang para safe ang pagkababae niya.

"Nakaalala ka na ba?" Tanong niya matapos ang mahabang katahimikan.

Umiling ang binata.

She sighed.

"Kung ganoon...bakit mo 'to ginagawa? Arent you supposed to kiss all the girls because you are fucking single?" She said sarcastically.

"About that, I really won't let her kiss me. I was about to push her but Heazen was fast to----"

"Wala akong sinabing magpaliwanag ka. Umalis ka na." Malamig na pigil niya sa binata.

Umigting ang panga nito pero hindi na pinagpatuloy.

Tinalikuran na niya ito.

"You're asking me why am I doing this even if I haven't remembered anything? Because I can't wait for my memories to come back anymore. I want to make new memories with you."

Napatawa na lang siya ng mapakla.

"You're just full of words, Benjamin. And to tell you? You're way too late."

CEO's Boss  (4th Gen #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon