Chapter 5

27.4K 698 25
                                    

"Palagi mo pa ring ini-stalk ang Benjamin na 'yun?"

Sinamaan niya ng tingin si Max bago pinagpatuloy ang pagsunod kay Dence. Hindi naman sila halata nito dahil magkasama naman sila ni Max.

"Alam ko na!" Sabi pa nito at saka humarang sa dinaraanan niya.

"Ano ba! Huwag kang paharang-harang." Inis na sabi niya rito pero hindi naman ito nakinig sa kanya.

"Bakit hindi mo na lang siya i-text?" Suhestiyon nito.

"Bobo ka ba? Anong klaseng suggestion 'yan?" Inis na anas niya rito.

Agad siyang nakaigik ng pingutin nito ang tenga niya.

"Makinig ka nga muna sa 'kin. Ang ibig kong sabihin bakit hindi mo siya i-text, kunin mo ang tiwala niya pero hindi ko sinabing sasabihin mo kung sino ka." Paliwanag nito.

Napaisip naman siya.

Idinantay ni Max ang palad nito sa balikat niya.

"Huwag mong isipin, dahil wala kang isip. Gawin mo."

Sinamaan niya ito ng tingin pero sa huli nanaig si Max.

Pabaling-baling siya sa kanyang kama habang pinag-iisipan kung ano ang itetext kay Dence. Nakuha niya ang numero nito lay Cleo at mabuting hindi naghinala! Mukhang bagot pa rin ito kay Heixon.

She sighed then start texting him.

To Dence:

'Hi.'

Napatili siya sa kanyang unan dahil sa ginawa niya.

Tama ba? Okay lang bang hi? Baka hindi sasagot si Dence?

Napatalon siya sa gulay ng magvibrate ang phone niya. Nag reply ito!

Dence:

?

Ano pa bang aasahan niya kay Dence? Syempre tipid talaga sa salita ang isang 'yun pero pati ba naman sa text?

Pero nakakatuwang isipin na rumesponde ito sa mensahe niya.

To Dence:

'Kung didibdibin ang problema, mas lalong bibigat. Kung pag-iisipan ang problema, maaring makahanap ng solusyon. Kung hindi problemain ang problema, mas maging problemado ka kasi wala ka ng problema.'


Natawa siya sa mensahe niya. Parang tanga, Kenzie. Pero ang gusto niya lang talaga ay pasayahin ang binata.

Napansin niya rin kasi ang pagiging malungkot ni Dence. Nabalitaan niya rin kay Cleo na nag-away daw ang magulang nito.

Her phone vibrated again. Napangiti siya ng magreply ang binata pagkatapos ng limang minuto. Ang tagal, haist!

Dence:

Who are you?

Luh. Name reveal agad? 'Di pwedeng label muna, char.

To Dence:

Stalker mong maganda.

Napahagikhik siya sa itinext. Saan ba niya nakuha ang kakapalan ng mukha?

Dence:

Name.

To Dence:

CEO's Boss  (4th Gen #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon