Chapter 33

21.5K 683 162
                                    

"Boss, 'yung reports." Sabi niya at nilapag ang folder sa mesa nito.

"Thanks, sugarplum. Date?" Singit nito sa huling sinabi.

Napairap siya at nilapitan ang binata. Saktong tumungtong sa alas-dose ay umupo siya sa kandungan nito.

"Araw-araw na tayong sige date. Aalis muna ako." Paalam niya.

Magtatatlong linggo na rin sila ng binata. Malapit na ang monthsarry nila, isang araw pagkatapos sa wedding day nila Cleo at Heixon.

Kumunot ang noo ng binata sa sinabi niya. Halatang hindi sang-ayon.

"Why? Where are you going?" Seryosong tanong nito at yumakap ang braso nito sa bewang niya.

"May nag-ayang maglunch sa akin, eh.  Ba't ba?"

Agad na napasimangot ang binata.

"Sino?"

"Bestfriend ko." Si Cleo pero di niya sasabihin.

Lumuwag ang pagkakakapit nito sa bewang niya. Mukhang hinahayaan siya.

Dence sighed.

"Fine. Hindi kita pipigilan. I won't forbid you to have quality time with your friend." Sabi nito.

Tumikwas ang kilay niya at tiningnan ang binata kung nagbibiro ba ito. Parang pinilit lang nito ang sarili, eh.


"Sige, una na ako---"

"But..."

"Ha? May but pa?" Reklamo niya.

May kinuha ang binata mula sa drawer nito. Mga papeles. Dence pointed his laptop.


"Bring it with you. I need you to encode this and I want it done."

"B-but---"

"No buts. It's either mananatili ka rito o papayagan kita. That Sebastian should know that you don't have time with him." Masungit na saad nito.


Napalabi siya sa sinabi nito. Napaka-seloso pero ewan at nakyu-cute-an siya sa binata. Hindi niya tuloy masabi-sabi na si Cleo ang kikitain niya.


"Sige, see you later, boyfriend.".

Inirapan lang siya ng binata at nagmiss call sa canteen para ipadala na ang pagkain nito.

"Take care, girlfriend." Nakasimangot na saad ng binata.

Napahagikhik na lang siya.





"HELLO, lunch break mo 'di ba? Why are you so busy." Untag ng kaibigan sa kanya habang patuloy siya sa pagtitipa sa laptop.

Bwisit na Dence na 'yun! Akala pa naman niya madali lang ang i-encode niya.
'Yan tuloy pumayag na lang siyang sa coffee shop sila kasi masyadong maingay kung sa restaurant sila at makalat ang mesa. Okay ng sa ganito para mapadali ang trabaho niya.


"Papatayin ako ng boss ko kapag hindi ko 'to natapos." Sagot niya dahil baka mapanisan ng laway ang kaibigan kung hindi siya magsasalita.

"So how was marriage life? It's almost a month, huh." Tanong niya rito.

Naalala niya tuloy ang pagiging boyfriend-girlfriend nila ni Dence. Sasabihin ba niya kay Cleo? Nakakatakot naman. Hindi naman niya inagaw si Dence pero mas gusto niyang sabihin ang tungkol sa kanila ni Dence kung inaamin na ni Cleo sa sarili na may nararamdaman ito kay Heixon maliban sa pagkainis.


CEO's Boss  (4th Gen #3)Where stories live. Discover now