Chapter 4

27.4K 708 178
                                    

"How long have you been working here?" Tanong ni Dence sa kanya. Abala na ito sa pagpipirma ng papel kaya hindi ito nakatingin sa kanya.

"Isang taon na rin, Sir." Sagot niya habang pinaglalaruan ang kanyang daliri.

Nakita niyang natigilan ang binata at nag-angat ng tingin sa kanya. Nakakunot ang noo nito.

"One year? As a janitress?" Paninigurado nito na tanong. Mukhang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Hindi pala alam ni Dence na matagal na siyang nagtatrabaho? Oo nga naman, ang manager ang kumausap sa kanya nang manalo siya sa raffle.

"Y-yes, Sir."

His brows furrowed on what she answered. Tila hindi nito nagustuhan ang sagot niya.

"And you didn't inform me?"

Bakit ba parang galit ito? Aba, malay naman niyang hindi pa pala nito alam. He's the CEO, he should know. Baka naman wala siyang kontrata sa kompanya? Impossible!

"'Yung manager lang po ang nakakausap ko dati. Hindi ko po alam na hindi sinabi, Sir Dence."

Tumiin ang bagang ng lalaki at saka tumango.

"Okay. You can start your new job now. Van guide her." Baling nito sa sekretarya.

Hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap mula sa pagiging janitress ay agaran siyang naging sekretarya nito. From stalker to janitress to secretary, huh? Ano pang kasunod? Girlfriend na? Chos!

"Being his secretary is not an easy job, Miss Fabiola. You are expected to attend his needs 24/7." Paliwanag sa kanya ni Van habang tinuturuan siya nitong mag-ayos ng mga papeles.

"F-flexible naman ako, kaya ko namang gawin lahat."

May maliit na ngiti si binata at saka tumango.

"That's good. And besides, it his first time to have girl secretary."

Gulat siyang napalingon dito.

"Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Hmm. You know that he's a Benjamin. A chick magnet." Van said as a matter of fact.

Napatango siya sa sinabi nito. Totoo naman, lapitin ng mga babae ang mga Benjamin. Kahit alam niyang walang nagtagumpay na makalapit kay Dence dahil tila isa itong bato, alam niyang maraming gustong masungkit si Dence.

Even her bestfriend, the brat supermodel Cleo, have crush on him.

"If you have feelings for him, I already pity you."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka.

"Why?"

"Dence may be fall in love, but he has priorities, that is work. And he's actually looking for the girl from his past."

Iyon ang tanging laman ng isip niya buong araw. How would a personified stone can fall in love with a woman?

"How are you?"

Ang baritonong boses ni Demce ay nagpatalon sa kanya sa gulat. Gabing-gabi na at akala niya at nag-iisa lang siya.

"S-sir, ikaw pala." She awkwardly smiped at Demce who just stared at her blankly.

Kailan ba magkakaroon ng emosyon ang mukha nito?

"Ihahatid na kita." Sabi pa nito.

Sheet, ito na ba 'yun? Magsisimula na ang love story nila?

Kenz, behave! Hindi pwede.

"Salamat shopee."

Agad na kumunot ang noo ni Dence sa sinabi niya. Muntik na niyang mapalo ang ulo ng mapagtanto ang kanyang sinbi.

CEO's Boss  (4th Gen #3)Where stories live. Discover now