Chapter 28

24K 670 120
                                    


"Let's go?" Yaya sa kaya ni Dence ng mag-alas singko na ng hapon.

Inilingan niya ang binata at patuloy na nag-arrange ng mga papeles.

"Overtime ako ngayon, Boss."

Natahimik ang binata. Nagtatakang nag-angat siya ng tingin dito. Naabutan niya itong nakatitig sa kanya.

"Oh?"

"Call me that again."

"Ang alin? Boss?" Nalilitong tanong niya.

Dence smirk and shook his head.

"From now on call me Boss."

Kumunot ang noo niya dito.

"Okay lang naman sa 'kin pero iba rin ang trip mo, halatang ako---chos. I mean, parehas lang naman ang Boss at Sir, ah." Daming alam ni Heudence.

"Magkaiba sila. Magkaiba nga ng spelling at pronunciation."

Hindi naman siguro krimen kung babatukan niya ang amo niya minsan, 'di ba? Minsan gusto na lang niyang sakalin ang binata.

"What are you doing?" Tanong sa kanya nito at lumapit sa upuan niya para tingnan ang kanyang ginagawa.

"Nagtatrabaho nga." Sagot niya.

"It's not that urgent. Kahit ako na ang gumawa niyang bukas. Tara na."

Napabuga na lang siya ng hangin at napairap. Ang swerte nga niya kasi mismong boss na niya nag-offer ng tulong pero 'yun nga ang problema, boss niya ito.

"Hay nako, Sir. Ako 'tong sinabihan mong I have my favorites ikaw nga itong masyadong favor. Huwag mo nga akong turuan maging tamad." Reklamo niya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Dence sighed.

"I wanna take you on a date." Mahinang usal ng binata.

Natigilan siya at agad na napatingin dito. Nakita niya ang bahagyang pamumula ng pisngi ng binata. Agad rin siyang namula.

"G-ganoon ba? Bakit hindi ka agad nagsabi?"

Tumayo siya at kinuha ang bag. Kinuha ng binata ang bag niya at pinagsiklop ang kamay nila.

"Ay, bakit feeling ko mag-jowa na tayo?" Pagbibiro niya.

"Doon rin naman tayo pupunta." Sagot ng binata.

Agad niyang binawi ang kamay dito.

"Sige, break na rin tayo." Pang-aasar niya.

Agad na kumunot ang noo ng binata at muli siyang hinawakan sa kamay. Hinila pa siya nito papalapit at pinatakan ng halik sa labi at bahagyang kinagat ang pang-ibabang labi.

"You should have said, sige, ikakasal na tayo." Bulong nito at pumasok na sila sa elevator.

Nahigit niya ang hininga at tila wala sa sariling nagpahila rito.

Tama ba ang narinig niya? Dence, naman. Baka atakehin ako sa mga pinagsasabi mo!

Pababa na ang elevator at muli iyong bumukas. Kinabahan pa siya baka may empleyadong pumasok pero ng makita ang bestfriend niyang lalaki ay nakahinga siya ng maluwag. Pero muling bumalik ang kaba ng mapagtanto ma si Max iyon, ang boy bestfriend niya.

"M-max!" Ilang na bati niya rito.

Tinaasan siya nito ng kilay at bumaba ang tingim sa magkahugpong na kamay nila ni Dence. Akmang babawiin niya ang kamay ng higpitan iyon ng binata.

"Oh, pre, chill lang." Natatawang saad nito at pumasok sa elevator.

Nang sumara ay pakiramdam niya napakasikip ng elevator para sa kanilang tatlo.

CEO's Boss  (4th Gen #3)Where stories live. Discover now