Chapter 16

26K 790 129
                                    

"I'm goin' on a trip." Imporma sa kanya ni Dence.

"In our favorite rocketship?" Dugtong niya na pakanta.

Dence stared at her flatly like she was some kind of alien. Pero infairness, kanina pa labas ng labas ang CEO niya. Kahit mga non-sense ang mga pinag-uutos nito. Hindi niya alam kung gusto siya nitong makita o namimiss pang siya.

Assume pa!

"Hehe. Sige, Sir. Bilhan kita tickets. Dalawa po?"

Kumunot ang noo nito.

"I'm not going with business partner, I'm going alone." Sabi nito.

She sighed.

"Ang slow mo naman, Sir. Syempre, akin 'yung isa. Sama mo 'ko sa trip mo."

Tumikwas ang isang kilay nito.

"Why would I let you?"

"Kasi sasakay ako sa rocketship mo. Boom!" She dirty joked.

Kumunot lang ang noo nito. Hindi pa rin siya naiintindihan. Pinanganak siguro ang boss niya kahapon.

Dirty joke 'yun! Kahit na-virginan na ito, inosente pa rin ang utak. Palibhasa nasa trabaho lang ang atensyon nito. Baka ngayon alam na nito kung paano siya trabahuin.

"Okay, two tickets to Singapore. Back and forth tickets."

Agad siyang napangiti.

"Roger, boss!" Saludo niya rito.

"Who's Roger?" Kunot-noong tanong nito.

Shutangina.

"Copy, boss."

Dence shrugged and went back on his office.

She sighed and dropped her head on the table. Naalala niya tuloy ang halikan nila kanina. Praktis pa nga halos mabinyagan na nila ang office nito, mabuti na lang at napigilan niya.
Ang sarap pa naman ng kiss ni Dence.

"Camckemzie---"

"Kiss!"

Kumunot ang noo nito sa inasta niya.

"You're crazy."

"For you. Yiee!" Banat niya at nagfinger-heart.

Sandali--tama ba ang finger heart niya? Bakit sa middle finger niya dinikit ang thumb? Nagmukha tuloy na pinakyuhan niya si Dence.

"You're fired." Dence said blankly.

"Yeah, fired. I'm on fire 'coz I'm hot."

"Camckemzie." Banta ng binata.

"Joke lang. But you can't fire me, Sir. Tandaan mong hindi pa umaabot ng tatlong buwan ang halik na kontrata natin. At saka nag-eenjoy ka pa sa halik ko." She wiggled her brows, teasing him even more.

Dence groaned and walks towards her. Nanlaki ang mata niya sa biglaang paglapit nito ng ilapat nito ang labi sa kanyang labi.

She moaned between their kisses when Dence slightly bit her lowerlips. Hindi lang slighlty alam niyang nasugatan 'yun.

"Dence!"

"Stop being annoying, Kenz." He groaned and walk away.

Napasimangot siya.

"Sige, sabi mo."


SUNOD-SUNOD na ang mga meeting ng binata. Siya naman ay kumontak sa airlines ng pamilya ni Dence para makakuha ng dalawang ticket.

"May business meeting abroad si Sir?" Tanong ni Lory sa kabilang linya.

"Hindi, honeymoon namin." Humagikhim siya sa sagot.

CEO's Boss  (4th Gen #3)Where stories live. Discover now