60. The God

19.7K 1.1K 215
                                    

Everything went black and white. Kasabay ng parang pagbagal ng takbo ng oras ay napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa pakiramdam na 'to. . . pero nanginginig ang buong katawan ko.

Nakapako ang tingin ko sa babaeng hindi mawala ang malawak na ngisi. Parang alam ni Andina na tinitignan ko siya at nalipat din ang tingin niya sa akin. Sa gitna ng libo-libong gifteds, parang kaming dalawa lang ang magkaharap.

She looked at me with a grin. Isang mapanlokong ngisi, na may mga matang nagpapakita sa akin na para bang pinapamukha niya na. . . naloko ako.

My 9th commandment. . . the last and only commandment that I could use right now.

Didn't worked.

Napalunok ako nang malalim. Si Andina ba ang gumawa n'on? Pero hindi. . . imposible. . . hindi gagana sa akin ang gift niya-

"Sinong nagsabing sa'yo?"

Unti-unting namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya. Malayong-malayo ang pagitan namin at hindi lang siya ang nagsasalita, ang iba ay sumisigaw pa. Pero rinig na rinig ko mula sa pwesto ko ang boses niya.

Nanatiling nakakurba ang labi ni Andina at nakaharap sa akin, na para bang magkaharap kami at kaming dalawa lang ang tao.

"Your powers are still not invincible, woman. Mortal ka pa rin, tao lang."

Nagsimulang matawa si Andina.

"Inexchange for the hearing of some, smell, or even taste. . . and 20 years of their life." Pinandilatan niya 'ko.

"I gave them a curse. . . to be an agnostic, when you use one of that commandments of yours."

Bumigay ang magkabilang balikat ko at natulala ako sa narinig. My eyes are still widened, still can't believe a word she said.

You're kidding me. . . kaya niyang gawin 'yon? Kayang gawin ng sumpa niya 'yon?

As if. . . she made all of the gifteds here an atheist, just to be immune to the commandments. . .

Nakakatakot ang kakayahan na 'yon. . . pero ang mas kinakabahala ko ay ang kung paano niya nalaman 'yon. Kung paano niya nagawa at naisip na magiging tagumpay.

She freaking risked. . . risked too much.

But for them. . . it was a success.

Hindi tumalab ang-

"CHAIN!"

Natauhan ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Bumalik ako sa realidad nang marinig ang pagtawag sa pangalan ng lalaking binabalak ko pa lang puntahan.

Muling bumalik sa dati ang pagtakbo ng oras. Thanks to Kris' voice, kung nasaan man siya, bumalik ako sa katinuan. Mabilis akong kumilos sa pwesto ko, kahit para akong naubusan ng lakas dahil sa nangyari.

"BITCH! DO YOU THINK THAT I WILL LET YOU GET AWAY?!" Rinig kong muling sambit ng babaeng manika na gustong dumikit sa akin na parang linta. Napaismid ako bago pilit na lumalapit kay Chain.

Maraming gifteds na nakaharang sa amin. . . nanghihina na siya, his freaking so called precious blood will be gone before he knows it-

Namilog ang mga mata ko nang makita ang namumuong pulang likido sa kamay ni Cael. A magma-

"C-CHAIN-"

Parang bumagal ang oras nang lumingon sa diresksyon ko ang namumutlang lalaki, dahilan para makita niya ang pag-atake sa kaniya. I know that he won't be able to block or avoid it with his condition— is he going to die?-

Solar Academy: School for the TamersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora