37.5 The first Villain (PART 2)

15.9K 1K 173
                                    

ALEJO'S POV 2 YEARS AGO (FEW MONTHS BAGO PUMUNTA SI CLEOFA SA NOCTURNE ACADEMY)

Hindi basta-basta pwedeng kalabanin ang Underground Association. Hindi lang sa dahil nandito ang mga Big Shots, kung hindi saklaw nito ang lahat ng Dark Guilds. Messing with them is suicide. . .

Kahit pa kilala rin ang Trejon at may mga bigating pangalan din ang iilan dito, hindi namin sila kaya. Kung sa Open Guilds ako hihingi ng tulong, aaksayahin ko lang ang walang kwenta nilang mga buhay.

Ang tanging option na lang na meron ako. . . ay ang Academy. Na kahit kailan, hindi ko lalapitan para hingan ng tulong.

Just like what I've said before. . . I'm not a good guy.

Ang plano ko na lang sa ngayon. . . ay ang itago ang bata. Itatago ko siya sa lahat at hindi ko ipapaalam ang tungkol sa gift niya. I'll hide her from anyone, even from myself.

That's the plan. . . pero ika nga nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag.

I can't hide Cleofa's gift, specially when she's an Heiress of Cronus. She started seeing things, and started complaining about her eyesight. She also started getting curious about her mother. . .

Kung doon din pala ang kahahantungan ng lahat. . . wala na 'kong magagawa.

Kung hindi ko siya matatago, kailangan ko siyang ilayo. Ilayo sa Underground Association. . . at sa akin.

₪₪₪₪₪₪₪₪

"HAYOP KA! HINDI NA 'KO NATUTUWA SA MGA BIRO MO, ALEJO!" Umalingawngaw ang boses ni Barabbas sa silid.

Mahigpit niya 'kong kinuwelyuhan na may nanlilisik na mga mata. Kita ko ang paggalaw ng iilang guild members ko at ng sa kaniya at naghahandang umamba. Sa kabilang banda wala akong ekspresyon at baliwalang tumingin sa kaniya.

Tinapunan ko ng tingin ang mga kasama ko at sinenyasan sila na kumalma.

"Anong sinasabi mong dinala mo ang bata sa Nocturne, Alejo?" kalmado pero mariing tanong ni Andina.

Napabuntong-hininga ako bago mariing tinanggal ang pagkakakwelyo sa akin ni Barabbas na kinainis niya lalo.

"Kagaya ng sinabi ko, walang epekto ang gamot sa bata. Hindi pa rin niya nagagamit ang gift niya, ayoko ng patagalin ang paghihintay kaya dinala ko na siya roon," kalmadong pagdadahilan ko. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon na pwedeng maging dahilan ng pagdududa nila.

"Tigil-tigilan mo kami, Alejo! Sinong maniniwala riyan sa palusot mo?!" uling pagsingit ni Barabbas sa usapan.

Tahimik na nakikinig ang iba pang tao sa silid, walang lakas ng loob na sumali sa usapan.

"Kung gano'n, anong plano mo, Alejo? Paano mo siya makukuha ulit?" tanong ni Andina na nakakuha ng atensyon naming lahat.

"ANO?! NANINIWALA KA SA-"

"Wala ng punto kung magtatalo pa tayo ngayon, Barabbas," may diin na sambit ng babaeng kaharap namin na kinatahimik ng dada nang dadang lalaki. "Ang gusto kong malaman, ay kung ano na ang plano mo, Alejo?" dagdag niya.

Rinig ang yapak ng takong niya habang naglalakad-lakad siya sa silid. "Sa oras na magamit na nang husto ng bata ang gift niya, wala na tayong pag-asang makuha siya katulad ng kay Helena. Hindi na natin maisasagawa pa ang plano. . . no sacrifice, no ritual."

Nahinto sa paglalakad si Andina at humarap siya sa direksyon ko. Matalim niya akong tinignan gamit ang walang buhay niyang mga mata.

"Kaya ano ang plano mo, Alejo?"

Ramdam ko ang mabigat na tensyon sa silid. Pati na rin ang matatalim na tingin ng mga gifteds sa akin na pilit kong hindi pinapansin. Binalik ko ang seryosong tingin ni Andina at taas noo akong nagsalita.

Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now