53.5 His older brother

16K 953 178
                                    

RED'S POINT OF VIEWS (10 YEARS AGO)

I have loving parents. Simple lang ang buhay pero masaya kaming tatlo nina mama at papa. Basta magkakasama kami. . .

Gano'n no'ng una.

Then he came to our lives.

Don't get me wrong, I was happy when I learned that I'm having a younger brother. Pero ako lang, ako lang ang masaya no'n.

Lalo na't hindi bunga ng pagmamahal si Chain, at dahil na rin sa pagdating niya, nagbago nang tuluyan ang buhay namin.

Tinanggap ko siya, hindi ko inisip na magkaiba kami ng ama. I gave him everything as his older brother. I will protect him even from our parents.

Pero nagsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi pumasok sa isip ko minsan na sana hindi na lang siya dumating. Na sana masaya pa rin at kumpleto ang pamilya namin.

Pero mas nanaig ang pagmamahal ko sa kapatid ko, sa puntong kaya kong talikuran ang sarili kong ina kung para sa kapakanan niya.

I will protect him. After all, we're chained by blood. As long as that red liquid flows in our veins, we're brothers.

When we chose to leave, I thought that's the end for both of us. Ano pa bang aasahan? 11 lang ako, limang taon si Chain.

Ang gift ko, hindi ko pa gano'n gamay. Wala kaming malalapitan, wala kaming maasahan. Kaming dalawa lang ni Chain ang meron kami.

And as his older brother, I will risk my life for him.

Then we met her. It was raining that day when we met Rouge.

Si Rouge na mas lalaki pang umasta sa amin, si Rouge na tinutukoy ng mga matatanda na bad influence, si Rouge na. . . tinanggap kaming dalawa ni Chain.

She was just 18 back then. Just a kid, like us.

Pero pinalaki niya kaming dalawa ni Chain gamit ang perang nakukuha niya sa kung ano-ano—masasamang gawain.

Binigay sa amin ni Rouge ang mga bagay na dapat sa kaniya na lang sana mapupunta. Nangarap siya hindi para sa kaniya, kung hindi para sa aming dalawa ng kapatid ko.

"Rouge, I want to join a Dark Guild when I'm old enough," seryosong sambit ko sa babaeng kasama ko.

Nagluluto siya ng pagkain namin. Si Chain na ngayon ay walong taong gulang ay naglalaro sa labas, at ako naman ay tinutulungan si Rouge na maghiwa.

Nahinto siya sa paghalo ng niluluto niya at kunot noo siyang tumingin sa akin. She didn't waste a second. I felt a sharp thing, like a needle, poke my skin.

"Aray!" giit ko. It was the wind, Rouge's gift.

"Baliw! Anong pinagsasabi mo, ha?" reklamo niya. "Kung tutuusin, 14 ka na, pwede ka ng pumasok sa mga Academies para sa-"

"Ayoko nga," pagtigil ko sa kaniya.

Seryoso at matalim niya 'kong tinignan. "Sige, sagot pa. Lilipad 'tong kawali sa mukha mo."

Kusa akong napatikom ng bibig. "Dali na kasi-"

"Hep, hep! Tama na, Red. Hindi mo gugustuhin sumali sa gano'ng klase ng guild, maniwala ka." Nagseryoso ang tono niya ng pananalita. "Maraming may gustong kumuha ng ulo ko dahil sa mga pinaggagagawa ko sa mga guild. Ayokong maranasan mo rin 'yon."

Hindi ko na nagawang makasagot sa sinabi niya. Napaiwas ako ng tingin at pasimpleng napaismid.

That's the point. . . I just can't let you risk your life in a Dark Guild for us.

Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon