39. Principal Bora

16.2K 1K 62
                                    

Tanging ang apoy na nanggagaling sa fireplace ang nagsisilbing liwanag. Tuluyan ng lumubog ang araw at ang halo-halong kulay na lang ang natira sa langit.

Napalunok ako nang malalim nang maramdaman ko ang mabigat na tensyon sa silid.

I was frozen in my place while looking back at him.

To the principal of Solar Academy.

The man who never bows his head.

The man who uses his gift 24/7.

The strongest Portugal alive.

Known as the Magician, Principal Bora Portugal.

Kitang-kita ko ang mahaba niyang balbas at ang iilang peklat niya sa mukha nang humarap siya sa akin. Pero ang pinaka nakaagaw ng pansin ko ay ang paa niya nang tumayo siya.

Putol ang isa niyang paa na pinalitan lamang ng bakal. He looks like a pirate. . .

"Inaasahan ko na ang pagdating mo rito," nakangiti niyang sambit bago maglakad papunta sa harapan ng desk niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang kada yapak na ginagawa niya, umiikot ang silid.

"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong niya.

Nahinto si Principal Bora sa tapat ng desk niya kung saan nakaharap siya sa akin. Nagtama ang mga tingin namin at parang hindi ko magawang makapagsalita.

Parang natuyo ang lalamunan ko.

Lumunok ako nang malalim bago pinilit ang sarili kong magsalita at napatayo ako nang maayos.

"I'm Persephone. . . Sir." pagpapakilala ko.

Tila natawa ang lalaking kaharap ko dahil sa pagiging seryoso ko. Kaswal siyang umupo sa lamesa ng desk niya at nanatiling nakaharap sa akin.

"Persephone, huh. . ." Pag-uulit niya sa pangalan ko. "Sa tingin ko ay nasabi na sa'yo ng estudyante ko ang mga bagay na dapat mong malaman, hindi ba?"

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko at agad akong tumango. "Yes. . . sinabi sa akin ni Mimi ang dahilan kung paano niyo nalaman ang tungkol sa akin. At kung bakit niyo inaasahan na pupunta ako rito."

Tumango-tango si Principal Bora sa sinabi ko. Hindi siya nakatingin sa akin habang nagsasalita, kung hindi sa desk niyang inuupuan niya.

"Kung gano'n. . . ano naman ang sinabi sa'yo ni Alejo?"

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Hindi kaagaad naproseso ng utak ko ang narinig. Parehong tumaas ang dalawa kong kilay at napaawang nang kaunti ang bibig ko.

"P-Po?"

Tumigil sa pagtingin sa desk si Principal Bora at nagtama ang mga tingin namin.

"Tungkol sa kung anong nasa katawan mo. . . na konektado sa nangyari noong nakaraang taon at kalahati nang nakalipas."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Agad akong napako sa kintatayuan ko. Pakiramdam ko ay bumibilis ang pag-ikot ng silid.

He knows. . . that I talked to Alejo. And he knows what we've talk about.

"Sabihin mo sa 'kin, Persephone. What side are you on?" kalmado ngunit may tonong tanong ng lalaking kaharap ko.

"Kung Underground Association ang pinag-uusapan, gagawin at gagawin namin ang lahat para labanan sila." Nahinto siya at tinuro ako gamit ang hintuturo niya. "Pero kung kasama ang Diyos na nasa loob mo. . . ibang usapan na 'yon."

"If it's for the lives of everyone. . . I would do anything, just to kill you."

Hindi ako nakakibo. Nararamdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko.

Naalala ko ang mga sinabi ni Alejo. . . gagamitin ako ng Underground Association— ang Diyos na nasa loob ko.

Wala sa sarili akong napahawak sa bagay na nasa leeg ko. . . ang kwintas na ibinigay sa akin ni Rouge.

Ilang segundo akong hindi nakasagot bago unti-unting umangat ang tingin ko sa lalaking kaharap ko.

Taas noo akong tumingin kay Principal Bora at desido siyang tinignan.

"And if that's the only way to stop me— to stop this God. Then I will gladly die, sir."

Mariin ang pagkakahawak ko sa kwintas ko habang nakatingin sa kaniya.

Iyon ang plano ko pa lang mula umpisa. Ang pagsira sa katawan ko o ang pagpatay mismo sa sarili ko, para matigil ang paggamit sa katawan ko ng Diyos na nasa loob ko. Tinanggap ko na ang magiging resulta ng desisyon na pinili ko.

I was glad to be alive at first. . . as long as I've had my revenge, I don't care what will happen after.

Not until when I've met Rouge.

Gusto kong gumawa ng paraan. . . paraan para mahinto ang pagbalik ng Diyos na 'to sa mundo. At kung ang nag-iisang paraan lang ay ang buhay ko, hindi ako magsisising ibigay 'to.

After all, I've already lost my life once. . . without saving anything or anyone. I will lose it this time by saving everyone.

Ilang segundo rin kaming nagtitigan ni Principal Bora bago magsimula siyang matawa na kinatigil ko. Umalingawngaw ang malalim at malaki niyang boses sa silid dahil pagtawa niya.

Naguguluhan akong napatingin sa kaniya na nagsimula ng tumayo mula sa pagkakaupo sa desk.

"At least, we have the same goal," natatawa niyang sambit.

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Natigilan ako nang hawakan ni Principal Bora ang balikat ko at nakangiti akong tinignan.

"Don't worry, I won't let anyone die. Kaya nga nandito ka." I was taken aback by what he said. Napakurap-kurap akong nakatingin sa kaniya. "Hahanap tayo ng paraan para matigil ang paglabas ng Diyos na 'yan, ng hindi ka napapahamak," muli niyang sambit.

Naramdaman ko ang paglambot ng puso ko sa narinig. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at nakatingin sa kaniya. Mabilis akong yumuko at napaiwas ng tingin. "P-Pero, wala ng ibang paraan-"

"Ano ang sinabi sa 'yo ni Alejo?" pagputol ni Principal Bora sa sasabihin ko.

"Na kay Joker ang sagot," dagdag niya.

Namilog ang mga mata ko sa narinig at umangat ang tingin ko sa kaniya.

"P-Pupuntahan natin si Joker sa Underground Association?" hindi makapaniwala kong tanong. "Pero paano natin siya mapupuntahan doon-"

"I told you. . . may dahilan kung bakit nandito ka. EVERYTHING was already planned from the beginning," may tonong sambit ni Principal Bora.

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya at walang naiintindihan. Hindi maproseso ng utak ko ang gusto niyang iparating. Ano ba ang ibig niyang sabihin?

Akmang ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magtanong nang biglang may bumukas na pinto sa silid. Parang bumugal ang oras at unti-unting namilog ang mga mata ko sa sumalubong sa akin.

Iniluwa ng pinto ang isang taong hindi ko inaasahan. Kaswal lang itong pumasok sa silid na para bang welcome na welcome siya rito.

He doesn't look like he was kidnapped at all. . .

"R-Red."


Solar Academy: School for the TamersOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz